Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cristine, game ma-link kay Richard

Author: Leo M. Bukas

WALANG pakialam si Cristine Reyes kahit pa third choice lang siya sa pelikulang Patient X na co-produced at pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Gusto raw niya ang role kaya nu'ng tawagan siya ng manager na si Veronique del Rosario para sabihing may gagawin siyang pelikula, hindi na siya nagdalawang-isip pa.

"Wala namang problema kahit pa third or last choice ako. Ang importante, napunta sa akin 'yung role at nagkaroon ako ng chance na makatrabaho si Richard kahit taga-ABS-CBN ako," kuwento ni Cristine.

Okey ba na ma-link siya kay Richard?

"Sa akin, okey lang. Single ako. Siya, single ba?" tugon niya.

"Kaya lang, ayoko pang ma-in love ulit, eh. Hindi pa ako handa. Gusto ko munang manatiling single para may time ako sa sarili ko. Pero malay din natin, 'di ba? hirit pa niya.

* * *

EXCITED na si MTRCB chairman Ma. Consoliza Laguardia sa 1st MTRCB TV Awards Night ngayong gabi (Sept. 4) sa Gateway Cinema 5, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Nakapili na ng winners at ready na silang ihayag ito.

Dumaan sa masusing pagkilatis ang bawat programang ipinadala ng TV networks sa MTRCB. Tiyak na pag-uusapan ang magiging choices ng MTRCB dahil ayon mismo sa chairman nito, iba ang ginamit nilang criteria sa pagpili.

Naku, mukhang interesting nga ang magaganap ngayong gabi.

Sina Edu Manzano at Jackie Aquino ang hosts nito.

* * *

KINAUSAP kami ng boyfriend ng isang controversial sexy actress para ipaliwanag na hindi totoo ang mga naglalabasang blind item na nagpa-raspa ang kanyang girlfriend.

"Hindi po totoo 'yon. Nagpunta lang siya ru'n sa hospital kasi may dinalaw siya. Hindi siya nagpa-raspa. Hindi rin siya nabuntis," paglilinaw ng male singer.

Ipinagmamalaki rin ng BF ng sexy actress na lalong tumatag ang kanilang relasyon kahit pa maraming pagsubok na pinagdaraanan.

Hindi na raw sila gaanong nag-aaway dahil mas naiintindihan na niya ang kasintahan.

"We've been through a lot and that made our relationship very strong," pagmamalaki pa niya.

Source: People's Tonight