|
|
| Cristine, humagulgol sa trade event ng DosAuthor: Eric John Salut FINALLY, nagsalita na si Kim Chiu sa isyu ng pagkakapasok nina Robi Domingo, Josef Elizalde at Nicole Uysiuseng sa My Girl. Naging controversial ang entry ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus housemates dahil sa reaction ng fans nina Kim at Gerald Anderson. Tutol na tutol ang Kimerald fans sa ginawang move ng ABS-CBN management. Sa cast pictorial ng My Girl kasama ang new cast members noong Miyerkules, kinuha namin ang reaction ni Kim sa isyu. "Okey lang po sa akin �" sa amin. Kumbaga, we welcome them. Mas masaya ang barkadahan namin dahil may additions sa grupo. Mababait naman sila," anang dalaga. Kung okey kay Kim ang entry ng tatlo, mas okey daw kay Gerald. "Just like when we were starting, nakita ko ang sarili ko sa kanila. So, dapat ding bigyan sila ng project. "In fact, nakikita ko kay Robi si Mikee Lee (Pinoy Big Brother Teen Edition 1st runner-up). Magkaibigan sina Robi at Mikee. Kaibigan ko rin si Mikee. Happy ako sa pagiging part nila ng My Girl," ani Gerald. Ngayong nagsalita na ang dalawa, siguro naman ay maliliwagan na ang fans nila na naghi-hysteria. Sigurado ring masaya na ang Robi-Nicole at Nicole-Josef fans dahil napagbigyan ang request nila. * * * BAGAMA'T game sa sexy pictorial, very shy pa rin si Roxanne Guinoo at 'di comfortable sa mga sexy production number. Sa nakaraang trade event ng ABS-CBN sa SMX Convention Center, nag-perform si Roxanne sa isang sexy Mexican-themed dance number. Pero bago sumalang, panay ang kulit ng aktres sa production manager kung okey lang ba ang outfit niya. Mukhang nasa pagpapa-sexy ang career path ni Roxanne. Cover siya ng July issue ng Maxim, kung saan garland lang ang takip ng kanyang dibdib. Kapansin-pansin sa nasabing cover shoot ang biglang paglobo ng mga boobs niya, ha. * * * STILL on the trade event. .. hindi naman napigilan ni Cristine Reyes ang maiyak sa dressing room dahil hindi raw nagustuhan ang line of questioning ng TV reporters na nag-cover ng event. Tinanong yata si Cristine ng reporters kung ano ang reaksyon niya sa isyu na prima donna siya sa set ng Eva Fonda. Imbes na sagutin ang tanong, bigla itong lumayo at umiyak. Kaya, sumugod sina Direk Bobot at Frasco Mortiz, line produ at director ng Eva Fonda, respectively. Para maayos ang isyu, ipinatawag ang segment producers ng The Buzz at Entertainment Live! "Ginagawa ko ang trabaho ko nang maayos, tapos i-a-accuse ako na prima donna? Doon ako nasaktan," himutok ni Cristine. Paliwanag naman ng dalawang segment producers, "We just wanted things clarified. What we asked her was kung ano ang nasulat. " Nag-apologize lang ang dalawang segment producers nang makitang humahagulgol na ang nakababatang kapatid ni Ara Mina. Samantala, nilinaw naman ng production manager ng Eva Fonda na never naging sakit ng ulo si Cristine sa set. * * * 'KAALIW si Mariel Rodriguez 'pag nakikita si Claudine Barretto. Inaabot siya ng hiya 'pag nakakaharap ang idolo niya. Si Mariel ay isang self-confessed Claudine fan. Sa trade event kung saan ipinakilala ito bilang Varga (sa Mars Ravelo Presents Komiks), nahiya si Mariel nang sabihing isasama siya sa dressing room ni Claudine. "Naku, huwag na po," sabi nito. "Nahihiya talaga ako sa kanya. " Nawawala pala ang pagiging kikay ng TV host 'pag kaharap na si Claudine, na tawa lang nang tawa nang malamang shy si Mariel sa kanya. Source: People's Tonight |