|
|
| Cristine, ililipat ni Ara sa DosAuthor: Vinia Vivar TALAGA palang maraming dapat sagutin si Cristine Reyes kung dumalo ito sa presscon ng launching flick niyang Green Paradise to be shown on Nov. 21. Bukod kasi sa hindi pa siya nagsasalita hinggil sa kaso nila ni Carlene Aguilar, biglang lumutang ang balita ngayong may plano umano ang young actress na lumipat sa ABS-CBN kaya hindi na magre-renew ng kontrata sa GMA Artists Center, na malapit na raw mag-expire (o nag-expire na?). Ayon sa aming source, ang ate raw ni Cristine na si Ara Mina ang may gustong lumipat na ang kapatid sa ABS-CBN. Maging si Ara, malakas din ang ugong lately na lilipat na rin ng Dos, pero up to now, hindi pa makumpirma ang tungkol dito habang patuloy naman siyang nakikita sa ilang programa ng Kapamilya. Balitang-balita rin na malaki na ang tampo ni Ara sa GMA-7 dahil umano sa taken for granted siya sa naturang network at talung-talo ni Rufa Mae Quinto sa rami ng proyekto. * * * TINAWAGAN ni Direk Jerry Sineneng si Valerie Concepcion para masayang ibalita na ang Maalaala Mo Kaya episode nila ni Luis Manzano ang may pinakamataas na rating sa taong ito. Say ni Direk Sineneng, hawak ni Val ang korona, kaya naman flattered and super thankful ang young actress. Ang MMK nina Val at Luis ay nakakuha ng 27. 1 percent sa versus 17. 7 ng kabilang programa. Bukod sa daily noontime show, kasama rin si Valerie sa pelikula nina Vhong Navarro at Kris Aquino under Star Cinema. Balita ring may gagawin siyang gag show, pero kasalukuyang nasa planning stage pa lang at hindi pa final. Kaya naman masayang-masaya ang Pasko ni Valerie at kahit loveless, inspiradung-inspirado siya, lalo na nga't lumalaki na ang kanyang anak na si Heather Fiona. Heard na marami pang plano ang ABS-CBN kay Valerie dahil napakagaan nitong katrabaho at laging positibo ang pananaw sa lahat ng bagay. * * * Isa sa ipinakitang teasers ang Lobo nina Angel Locsin at Piolo Pascual at manghang-mangha raw ang lahat sa ganda ng teleserye. Maging ang ibang Kapamilya bossing na noon lang nakita ang teaser ay natulala kung gaano kaganda ang proyekto. Ang manager din ni Angel na si Becky Aguila ay nagulat dahil kakaiba raw talaga ang nasabing teleserye sa lahat ng nagawa ni Angel. Sulit na sulit daw ang paghihintay ng fans ni Angel once na maipalabas ang Lobo sa January. Source: People's Tonight |