Aug 30
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Cristine, kinumpronta si Joross!

Taliwas sa mga espekulasyong nagkabalikan na sina Diether Ocampo at Kristine Hermosa dahil nakita nga silang magkasama sa isang fashion shoot sa Boracay recently, ayon sa aktor sa kanyang panayam sa The Buzz last Sunday, talagang wala na sila ng young ...

 

Cristine, kinumpronta si Joross!

Column: Hot 'n Spicy
Author: Vinia Vivar

Taliwas sa mga espekulasyong nagkabalikan na sina Diether Ocampo at Kristine Hermosa dahil nakita nga silang magkasama sa isang fashion shoot sa Boracay recently, ayon sa aktor sa kanyang panayam sa The Buzz last Sunday, talagang wala na sila ng young actress.

Pero inamin naman niyang kahit paano ay umasa siya nang nasa Boracay sila dahil masaya sila that time and parang okay na sila.

Pero dahil na rin sa rami ng mabibigat na pinagdaanan ng kanilang relasyon, he felt na hindi pa siguro talaga panahon para pumasok muli sa isang relasyon.

Ipinagtapat din ni Diet na minsan na niyang tinanong si Kristine kung handa itong bigyan ng isa pang pagkakataon ang kanilang relasyon. Siya raw kasi ay willing na ibigay ang lahat, pero ang isinagot daw ng young actress, hindi pa ito ready.

Medyo mahirap daw ang pinagdaanan niya but he's moving on.

The actor also admitted na may natatanggap siyang pagbabanta sa kanyang buhay at ang pamilya raw niya ang naaapektuhan.

Walang ideya ang Maligno star kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kanya dahil wala naman daw siyang kaaway.

* * *

Hindi pa sure si Joross Gamboa kung tatanggapin ang role na inaalok sa kanya sa Eva Fonda, 16, dahil hindi pa raw niya nakikita ang script at wala siyang idea kung anong papel ang kanyang gagampanan.

"Kung maganda po ang role, bakit naman po hindi ko tatanggalin?" he said.

Actually, nag-attend na nga raw siya ng workshop for Eva Fonda, 16 at doon ay nagkita at nagkausap sila ni Cristine Reyes, ang bida ng serye.

Kinumusta namin kay Joross kung ano ang feeling niya na muling nakita at nakausap si Cristine, na matatandaang dati ay niligawan niya.

"Marami kaming napag-usapan. Nalinaw ko sa kanya 'yung ilang bagay na malabo. She was saying na hindi ko man lang daw siya naprotektahan nu'ng time na may sinasabi si Roxanne (Guinoo, ex-girlfriend ni Joross) sa kanya at ipinaliwanag ko namang hindi totoo 'yun dahil dinepensahan ko rin naman siya noon kahit paano," sabi ng aktor.

Noong time raw kasi na na-link sila ni Cristine, hindi pa sila ni Roxanne. Pero nang maglabasan ang kissing picture nila ng kapatid ni Ara Mina sa Internet, girlfriend na raw niya si Roxie, kaya nagkaroon ng intriga.

"Parang lumabas kasi noon, nag-two-time ako sa kanila, eh, hindi naman ganu'n," paliwanag pa ni Joross.

Ngayong Martes ang story conference ng Eva Fonda, 16, pero hindi raw niya alam kung makadadalo siya dahil may taping siya ng Your Song with Victor Basa and Alex Gonzaga.

Sila ang mga bagong bida sa May episode ng Your Song at ang nakatutuwa, ang magkarelasyon dito ay sina Victor at Joross dahil gagampanan nila ang roles na bi-males o 'yung tinatawag na silahis.

Ayon sa dalawang young actor, tinanggap nila ang role dahil cute naman ang kuwento at may moral lesson na ibibigay sa manonood.

Magsisimula na sa Sunday, May 4, ang nasabing serye na pinamagatang Without You with the feature song Here I Am ni Erik Santos.

Kasama rin dito sina Pinky Amador, Noel Colet, Lui Villaruz at Carla Humphries.

Source: People's Tonight