|
|
| Cristine, laos kay KatrinaAuthor: Gerry Ocampo AYAW patulan ni Katrina Halili ang kantiyawan ng press na mas sikat siya ngayon kaysa kay Cristine Reyes dahil dalawang magkasunod na pelikula agad ang nakatakda niyang simulan sa OctoArts Films. Sa ginanap na multi-picture contract signing ni Katrina sa OctoArts Films sa Guilys Resto last Tuesday ay isang magalang at mabait na sexy actress pa rin ang sumalubong sa amin. Pagiging maunawain at hindi mahilig pumatol sa intriga raw ang sekreto niya kaya siya nananatiling nasa showbiz at pinagpapala. "Nagpapasalamat po ako kay Boss Orly dahil sa dinami-dami ng magaganda at young actress ngayon ay sa akin sila nagtiwala," say ni Katrina Ask namin si Boss Orly, why Katrina? "We were really looking for somebody to build up in consideration of the numerous project we have lined up. The plan was to really establish her in the movies for a period of two years where she will be given at least five projects," say nito. "Sayang naman kasi kung i-build up mo in one movie and then stop from there. The first project is One Night Only, entry ng Octo Arts sa MMFFP 2008 with direk Jose Javier Reyes. The other one is Gil Portes obra maestro, Miss X na ginampanan ni Vilma Santos 28 years ago," patuloy ni Boss Orly. Pero ang gumulat sa press ay makakasama ni Katrina sa One Night Only sina Angelica Panganiban, Valerie Concepcion at Roxanne Guinoo. Lalabas kasi na supporting role lang ang tatlo kay Katrina dahil siya ang contract star ng Octo Arts Films. Samantala, ipinagdiinan ni direk Gil Portes na mas bold at daring ang modern version ng Miss X na kukunan din sa Amsterdam. May eksena raw nasa loob ng isang cubicle si Katrina na may maliit na butas at sinisilipan siya ng mga parokyanong kostumer. Ayon kay direk Gil, 'di puwedeng dayain ang naturang eksena. Kailangan nakahubad totally ang isang babae 'pag nasa ganung sitwasyon. "Isa ka kasing puta sa ibang bansa, Sa kagustuhan mong mabuhay kaya nasadlak ka sa ganung trabaho. I know, Katrina will do justice sa role," paliwanag ni direk Gil * * * NAGKITA at nagkausap sina Bong Revilla at Rosanna Roces nang magpunta ang una sa Malabon para tingnan ang kalagayan ng lugar at kung paano magagawan ng paraan para maiwasan ang malubhang pagbaha. Walang isnaban nangyari dahil lumapit si Osang habang karga ang kanilang apo na si Gab na ikinatuwa ni Senator. Nakatawa pang inilapit ni Osang si Gab kay Bong. Tuwang-tuwa naman ang senador sa inasal ni Osang. Samantala, sa darating na Linggo ay nakakamanghang kuwentong na naman ang isisiwalat ni Senator Bong sa Kap's Amazing Stories pagkatapos ng Showbiz Central sa GMA 7. * * * BONGGANG party ang handog ng SOP ngayong Linggo. Darating ang mga sikat na bandang Cueshe at Itchyworms. Album launching din ng Prince of Soul na si Jay R. Ang kinagigiliwan at kinababaliwan soap ng Siyete na Kim SamSoon ay nasa SOP din ngayong Linggo. Kaya tutok na dahil may bonggang production number ang barkada. Source: People's Tonight |