Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cristine, naghimutok sa Siyete!

Cristine, naghimutok sa Siyete!

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

May mga pagbabago sa pelikula ni Gabby Concepcion sa GMA Films. Ang tentative title na nito'y My Holiday-Off (The Love Cruise).

Out na sa cast si Paolo Contis, na dapat ay makakapareha ni Jolina Magdangal, pero isa pa ring talent ni Lolit Solis ang ipinalit.

Ang tinutukoy namin ay si Mark Herras, na pasok sa pelikula at kapareha ni Rhian Ramos, na bagong dagdag din sa cast.

Epekto siguro ito ng intriga sa dalawa habang ginagawa ang My Only Love.
Ibig sabihin, susuportahan ni Lolit ang comeback movie ni Gabby, masaya!

Sa Italy ang shooting ng movie at March 31 na ang alis ni Direk Mark Reyes at ibang staff at crew para sa scheduled first day shooting sa April 2.

Si Senedy Que ang scriptwriter ng movie at kung 'di man natuloy ang project niya sa Star Cinema na pelikula ni Vilma Santos with Ryan Agoncillo at John Lloyd Cruz, tuloy naman siya sa GMA Films at sa Europe ang shooting.

Tiyak na excited sina Mark at Rhian, dahil kasama na sila sa pelikula, makakapunta pa sila sa Italy, dahil as today, kasama silang bibiyahe. Walang regular show sa GMA-7 ang actress at si Mark ay puwedeng magpaalam sa Joaquin Bordado.
* * *
Hindi pa masabi ni Cristine Reyes kung "Proud Kapuso" pa rin siya o "Team Kapamilya" na dahil tuloy ang negosasyon ng lawyer niya sa GMA-7 para maayos ang dapat ayusin.

Pero, sa pakikinig sa kanya, i-release man siya o hindi ng Channel 7, naka-set na ang mind nito na lumipat sa Channel 2 at feeling Kapamilya na nga.

Masaya at kumportable siya sa Dos at deadma na lang sa mga sumisimangot sa kanya na hindi pinangalanan. Sunud-sunod ang guestings niya, pero hindi siya puwedeng tumanggap ng regular show, dahil iba ang plano sa kanya ng management at kasama rito ang pagbibida sa Eva Fonda 16.

"In-offer sa akin 'yun, gusto ko ang project at gusto kong gawin, pero may problema pa nga.

"Nakakahiya nga at naghihintay ang ABS sa akin, hanging pa ako at puwede nilang ibigay sa iba ang project," sabi ni Cristine.

Itinanggi ni Cristine ang nasulat na nag-storycon na for Eva Fonda 16 at pati raw si Wilma Galvante ay nagtanong.

Wala pa raw naganap na storycon. Hindi pa siya makapag- commit hangga't 'di naaayos ang lahat at halimbawang nag-counter offer ang GMA-7, titingnan pa rin niya kung ano ang maganda sa dalawang offers.

"Kung talagang gusto nila ako (ng Channel 7), dapat bigyan nila ako ng show na maganda at 'di puro supporting na lagi kong ginagawa.

"Ang tagal ko nang naghihintay ng project at saka sila nag-offer nang mag-offer ang ABS.

"Parang too late na. Kung talagang alaga nila ako, ba't ngayon lang? Four years ako walang show na sarili ko," pahayag pa ni Cristine.

Habang walang show at patuloy ang pakikipag-usap ng lawyer niya sa Channel 7, sa mga raket muna nagpapaka-busy si Cristine.

Kinuha siya ng Hoc Yan Int'l Trading para maging endorser ng Fiona Slippers na, in fairness, maganda ang style at kumportable sa paa.
* * *
Pilot episode pa lang ng Babangon Ako at Dudurugin Kita sa March 24, madugo na't two choppers at 500 extras ang ni-request ni Direk Joel Lamangan.

Big scene agad ang mapapanood with matching barilan at ilan sa important characters ang agad mamamatay.

Mabilis ang taping ni Direk Joel at ang tinatapos niya ay pang-fifth week na.
Wala siyang problema sa kanyang cast na pawang magagaling at walang nali-late.
Naniniwala si Direk na ripe na for primetime sina Yasmien Kurdi at JC de Vera.
"Ang taas ng rating ng afternoon soap nila and it's high time na itaas sila para maka-discover ang GMA-7 ng ibang artista.

"Mahusay si Yasmien, maganda ang attitude at bata pa, kinakitaan ko na ng potential. Shocked ako't she can discuss the Lebanese war. "

"Parang ganu'n, pero 'di ganun ka-political" ang sagot ni Direk Joel sa tanong kung ang Babangon..., ang next Kung Mawawala Ka, na dinirehe rin niya.

"Ito ang next realistic show ng Channel 7," wika pa ng direktor.
* * *
Suwerte sa Star Cinema ang Black Saturday playdate at puro box-office hit ang mga pelikula nilang ipinalabas sa araw na 'yun.

This year, ang tambalan nina Vhong Navarro at Valerie Concepcion plus Makisig Morales sa Supah Papalicious ang kanilang pambato.

Kung i-promote ito ng tatlo'y "pampamilya, pang-magkaibigan, pambata at para sa lahat ng gender at edad," dahil wholesome.

Kahit comedy, nahirapan pa rin si Vhong sa eksenang kailangan niyang mag-disguise na babae at tatlong characters ang ginawa niya.

Four hours inaabot ang paglalagay ng prosthetic sa kanya at 'di pa kasama ang pag-alis ng make-up. Tiniyak nitong mag-i-enjoy ang moviegoers du'n pa lang.
* * *
Bilang pasasalamat sa mga sumuporta sa Daybreak, may meet-and-greet session ang "Indie Sine Box-Office King" na si Coco Martin tonight at 7 sa Robinson's Ermita.

Bukod sa pagpapapirma ng autograph, puwede ring makipag-kodakan sa actor.

Ang Daybreak ay showing sa Robinson's Ermita at Bacolod.
* * *
Isa sa mga pambatong show ng Q-11 ang Planet's Funniest Animals, na napapanood at 7 p. m. and hosted by Emmy award- winner Matt Gallant. Nagpapalabas ito ng home videos ng pets submitted by viewers.

Worth watching ang Animercials, an amusing collection of TV ads kung saan animals ang mga bida.

May video pang nagpapakita kung paano sila maglaro at mag-enjoy.

Source: People's Tonight