Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cristine nagiging katawa-tawa sa pakiyemeng pakikipagrelasyon kay Willie

Cristine nagiging katawa-tawa sa pakiyemeng pakikipagrelasyon kay Willie

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

NAPANOOD ng bayan si Cristine Reyes sa Wowowee recently sa kabila ng ilang linggong pagdi-deny ng aktres sa totoong namamagitan sa kanila ni Willie Revillame. Malamang ay parte ng promo ng pelikula nila ang kanyang appearance doon. Alam n'yo naman si Papi, masyadong mabait, pinayagan ang exposure ng aktres sa nasabing noontime show.

Sa panghuling bahagi ng Willie of Fortune lumabas si Cristine at talagang naka-red dress din ang dalaga, na kung iisipin mo'y magkaterno sila ni Willie ng suot that afternoon.

Kapansin-pansing hindi relaxed si Cristine. Kahit ano pang ngiti ang gawin niya sa harap ng kamera, napaghahalatang tensiyonada ang aktres lalo 'pag nasa tabi niya si Willie.

Hindi keri ni Cristine 'yung tipong pasimpleng ek lang, na parang kaswalan lang. Nu'ng nagbibiruan sina Mariel Rodriguez at Willie ay blangkong nakamasid lang si Cristine.

Komento tuloy ng isang tagapanood, baka raw kasi 'pag nagsalita pa si Cristine ay mabuking lang ang damdamin niya kay Willie.

Ganoon?

Ang punto naman namin ay, eh, ano ngayon kung totoo ngang may nararamdaman sina Cristine at Willie para sa isa't isa?

Ano naman ang keber ng lahat kung nagmamahalan sila? Ang kaso nga'y tila takot si Cristine na ipaalam sa lahat na espesyal si Papi sa kanya.

Ang tanong, bakit? May pumipigil ba kay Cristine na gawin ito?

In fairness kay Willie, hindi man niya inaamin nang diretsahan, pero laging sinasabi ng TV Host na may nagpapasaya ngayon sa puso niya.

Ganoon lang. Walang kiyeme.

Si Cristine, ang daming sinasabi na kesyo hindi siya nililigawan ni Willie, na hindi niya type ang TV host tapos biglang mababalitaan na lang na nagpupunta pala siya sa bahay ni Willie sa Tagaytay at Ferndale.

Aayaw-ayaw pa tuloy ang dating niya. Kawindang, 'di ba?

Ang sa amin ay magpakatotoo lang sana po tayo. Para hindi rin tayo maging katawa-tawa sa madla.
***
MARAMI ang hanga kay Valerie Concepcion (na kasama sa Suppa Papalicious) hindi lang bilang host kundi pati na rin kung paano niya itinataguyod mag-isa ang tatlong-taong-gulang niyang anak na si Heather Fiona. Kaya naman bukas ang biyaya ng langit sa aktres at hindi siya na-wawalan ng proyekto.

Excited si Val sa pelikulang Suppa Papalicious na unang pelikula rin niya under sa Star Cinema.

Aniya, nakatutuwa talagang kasama si Vhong Navarro dahil kahit magdamagan ang shooting nila'y hindi boring ang dating nila sa set. Hmmn, hindi naman kaya nagpalipad-hangin si Vhong sa TV host/ aktres?

Ang tanong, may pag-asa kaya si Vhong sa dalaga dahil balita namin ay na-trauma na ito sa una niyang pag-ibig.

May ilan ding intrigero na nagkomento na mas bongga pa raw ang exposure ni Valerie kesa kay Angel Locsin. Well, kung exposure ang pag-uusapan, oo mas lamang talaga si Val. Bukod sa acting, she can host very well. Hindi limitado ang scope niya.
* * *
MAY nakarating sa aming chika tungkol sa umano'y pagka-kuring (read: kuripot) ng isang actress-turned-politician.

Maski nga kami ay nagulat dahil wala sa mukha niya na Madam Kuri pala siya lalo na sa kanyang constituents na nanghihingi ng donasyon. Pretty at glamorosa ang dating niya kaya malamang ay akala rin ng mga nasa-sa-kupan niya'y madali siyang mag-give.

Eh, kaso shocking at umaatikabong twenty pesos ang laman ng envelope na ibinibigay umano ng lady politician na ito sa tuwing may lu-malapit sa kanya for chorva. As in, ganoon daw ito ka kuring?! Kawindang.

Napailing na lang kami at napaisip na, hindi man lang ginawang singkuwenta pesos ang iba niyang binibigyan for a change.

Basta, pabulosa ang actres-turned-politician na ito. Naging kontrobersyal siya last year dahil sa issue ng marital problem.

O, tama na. Ayaw na ng clue.

Source: Taliba