|
|
| Cristine nagmistulang boldstarAuthor: Noel Asiñas PINAGKAGULUHAN nang husto si Cristine Reyes sa premiere night ng Patient X. Kasi ba naman sobrang revealing ang kanyang suot na damit na halos ikinaluwa ng kanyang tayung-tayong boobs. Na-outshine talaga ni Cristine ang partner sa movie na si Richard Gutierrez. Pero hindi rin naman nagpatalo ang female fans ni Chard. Nakakatulig ang hiyawan sa loob ng sinehan nang dumating sina Richard at Cristine. Lalo pang nagkagulo ang press photographer nang nakita ang napaka-daring na suot ni Cristine. Kung panahon ng bold movies ngayon ay sasabihin mong parang boldstar manamit ni Cristine. Aba, halos makita na talaga ang nipples niya, magkamali lang siya ng pihit ng katawan, huh! Tama lang na naging No. 1 FHM model ang kapatid ni Ara. Ang pelikula ay isa si Cristine na suspect sa pagpatay ng mga magulang at kapatid ni Richard sa movie na directed by Yam Laranas. Showing na ang Patient X bukas, October 28. * * * MISMONG si Ara Mina ang nagkumpirmang sari-ling pera ni Cristine Reyes ang ipinanghuhulog sa ba-gong townhouse ng kapatid sa Batasan, Commonweath Ave. , Quezon City. "Matagal nang hinuhulugan ni Cristine 'yung townhouse na lilipatan niya kapag kumpleto na ang gamit niya. Malapit ito sa bahay ng mommy namin na townhouse din. "Talagang inabandona na ang house namin sa Provident Village. Pinapasyalan na lang ng mommy ko ito paminsan-minsan sa isang linggo. Ta-nging mga alahas lang ang na-save sa bahay namin at lahat hindi na pakikinaba-ngan," kuwento pa ni Ara na umattend ng premier ng Patient X. * * * INAMIN din ni Ara Mina, No. 1 kontrabida sa Tinik Sa Dibdib, na tuloy ang pagtakbo niya bilang konsehal sa second district ng Quezon City. Sa November pa niya ma-lalaman ang partidong aaniban. "Matagal na akong kinukumbinsing lumahok sa pulitaka at ngayon lang ako nakumbinsi. Mahirap ka-sing pumasok. Dapat marami kang pera. Kaya ang ginawa ko ay nagkaroon ako ng mga tulong sa mga kaibi-gan ko. Nahingan ko sila ng poster at iba pang pangangailangan sa pa-ngangampanya," say ni Ara. Kapag nag-file siya ng candidacy sa Nov. 5 sa Comelec hindi na siya makakalabas sa Tinik sa Dibdib. Nanghihinayang si Ara dahil trabaho iyon at kai-langan niyang kumita dahil nahaharap siya sa malaking gastusin. * * * DAHIL Halloween week na, ang programa ng Bilib Ka Ba Nights ng GMA-7 ay may temang katatakutan. Nagsimula ito sa Ripley's Believe It Or Not ni Chris Tiu last Monday. Tapos itutuloy today ni Paolo Contis sa OC To The Max na naka-costume na mala-Dracula ang dating. Sa Wednesday night naman sa Wow, Hayop ay horror din ang costume ng comedians na sina Jose Manalo at Wally Bayola. Pero ang ipi-feature nila ay mga hayop na tampok sa Greatest American Dogs. * * * Sa ika-23 taon ng Star Awards for Television 2009, muling pararangalan ng Philippine Movie Pres Club (PMPC) ang mga pa-labas sa TV na nagmarka sa isipan at kaaliwan ng Pilipino sa makabagong panahon. Bilang pinaka-popular na mga panoorin, sa evening primetime, maglalaban-laban ang mga teleserye sa kategoryang Best Primetime TV Series na ang mga nominado ay kinabibila-ngan ng Codename: Asero at Luna Mystika ng GMA-7 gayundin ang Eva Fonda, Iisa Pa Lamang, Kahit Isang Saglit, May Bukas Pa at Tayong Dalawa ng ABS-CBN. Gaganapin ang gabi ng parangal ng 23rd Star Awards for TV sa Nov. 29, 7 pm sa Pagcor Grand Theater , Ninoy Aquino Avenue, Parañaque City. Source: Taliba |