|
|
| Cristine na-trauma sa dinanas kay OndoyAuthor: Gerry Ocampo NagpasalamaT si Ara Mina sa tulong ni Richard Gutierrez para ma-rescue ang pamilya nito sa kasagsagan ng bagyong Ondoy. Tsika ni Ara, tumawag siya sa kaibigan ng boyfriend para sagipin ang nagpapasaklolong kapatid na si Cristine Reyes dahil nasa bubong na ito at nanginginig sa takot dahil sa biglaang pagbaha sa Ma-rikina. Ayon kay Ara, nagdala si Richard ng speedboat at hinanap ang bahay nila AA (tawag kay Cristine) sa loob ng Provident Village habang ang iba niyang kapatid ay sakay ng jetski na ipinahiram ng kaibigan ng boyfriend. Sa kuwento ni Ara, nang tumawag sa kanya si AA ay agad din siyang humi-ngi ng tulong sa NDCC at kay MMDA Chairman Bayani Fernando pero sabi ni Chairman Bayani ay paakyatin na lang si AA sa bubong habang wala pa ang rescue. Dahil sa kung anu-anong alibi ang naririnig sa mga tinawagan na dapat tumulong sa mga nabibiktima ng kalamidad ay siya na lang ang gumawa ng paraan kung paano ma-rescue ang natatakot na pamilya. That day ay papunta sana sa Startalk si Ara kaya hindi na ito nakasipot para sa promo ng Tinik Sa Dibdib gayundin sa SOP, dahil ang nasa isip ay kung paano maililigtas ang ka-patid at magulang na nasa ibabaw ng bubong. Ayon pa kay Ara, hanggang ngayon ay bakas pa rin daw ang takot kay Cristine dahil sa dinanas. * * * Masayang-masa-ya ang pinakamainit na loveteam ngayon na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal nang i-launch bilang bagong Bench endorsers sa Trinoma Activity Center na dinaluhan ni Mr. Ben Chan at fans ng dalawa. Bukod sa bagong endorser ng Bench at t-shirt, ang Raw Overhauled Jeans ang ie-endorse nina Aljur at Kris na siguradong magugustuhan ng bagets dahil bagay kahit anong isuot na pang-itaas. Finally, natupad na raw ang matagal na nilang pa-ngarap na mapasama sa Bench family at magkaroon ng malalaking billboard at posters sa Bench outlets. Pagkatapos rumampa sa launching ay mu-ling humingi ng sorry si Aljur kina Iza Calzado at Sharon Cuneta sa premiere night ng The Echo. Napintasan kasi ang actor dahil akala ay gumimik siya sa movie nila ni Kris na Nandito Ako. .. Nagmamahal Sa'Yo nang lumuhod siya sa harap ni Kris para ibigay ang dala-dalang bulaklak dahil na-late at hindi nasundo ang ka-loveteam. "Hindi po ako gumimik at lalong hindi ko binalak na umagaw ng eksena. Nag-apologize na po ako kay Ms. Iza at kay Ms. Sharon hindi pa po. Hindi ko alam ang number ni Ms. Sharon kaya hinihingi ko para personal na mag-sorry pero wala pang makapagbigay sa akin ni Ms. Sharon. "Nagdala ako ng bulaklak tanda ng paghingi ko ng sorry kay Kris dahil 'di ko siya nasundo. Pina-check up ko ang nabali kong right arm at natagalan kaya pagpunta ko sa bahay nila nakaalis na siya. Sorry talaga sa mga na-offend ko," pakumbabang pahayag ni Aljur. * * * Kahit malakas ang ulan ay dinagsa pa rin ang birthday party ni Senator Bong Revilla sa White Space, Pasong Tamo, Makati City. Hiningan namin ng reaksiyon si Sen. Bong ukol sa alitan ng kaibigang Jinggoy Estrada at Sen. Ping Lacson. "Nalulungkot ako sa nangyari sa kanila. Iilan lang kami sa Senado. Walang panalo at talo sa ginagawa nila. Sana matapos na ito," maikling sagot ni Bong. Kinumpirma rin ni Bong ang pagkandidato ni Lani Mercado sa Bacoor, Cavi-te. "Tuloy ang pagtakbo ni Lani as congresswoman sa Bacoor. Ako naman ay senador pa rin ang tatakbuhin at hindi tulad nang naglabasan na mas mataas na posisyon ang tatakbuhin ko sa election. Kung tumakbo ako sa mas mataas na posisyon, hindi ko papayagan si Lani na kumandidato kasi mahirap na pareho kaming mangangampanya," patuloy pa ni Bong. Ang birthday wish daw niya ay hindi para sa kanya kungdi para kay Lani na sana ay manalo ito sa elek-siyon. Sinabi rin ni Bong na walang katotohanan na lilipat siya ng partido at alam din daw niya na mauunawaan siya ni Jinggoy na hindi niya ito matutulungan sa pangangampanya sa pagka-vice president sa 2010. Pero nag-deny naman si Senator Jinggoy nang tanu-ngin namin ukol dito. "Hindi ako tatakbong Vice President at lalong walang katotohanan na pumayag akong maging vice ni Senator Manny Villar. Senador pa rin ang tatakbuhin ko sa darating na election," giit ni Sen. Jinggoy na dumalo sa party. Hosts ng party sina Paolo Bediones at Tuesday Vargas at kumanta naman si JayR. Dapat ding batiin si Michael V, na talagang nag-effort to look like, sound and act like Bong. Nagkaroon ng presentation ng "10 amazing things" na binuo ng staff nina Lani at Bong at ng Kap's Amazing Stories ni Bong na napapanood every Sunday after ng Imbestigador sa GMA-7. Source: Taliba |