|
|
| Cristine, sabit sa isyu kay Riza![]() Author: Vinia Vivar Maingay ngayon ang Be Bench winner at talent ng Star Magic na si Carlo Guevarra dahil sa pagpayag niyang magkaroon ng kissing scene with Ogie Alcazid sa pelikulang Desperadas 2. Bakit nga ba siya napapayag sa man-to-man kissing scene? "Ano lang naman po 'yun, smack lang, mabilis na mabilis lang po talaga kasi wedding namin 'yung scene," say ng "leading man" ni Ogie. "Pero marami siyang halik sa pisngi at leeg. Sa una, kinakabahan ako kasi first time ko, ganu'n. Pero trabaho po kasi," dagdag pa niya. Okay lang daw sa kanya na si Ogie ang "leading lady" niya dahil comedy naman daw ito at hindi malaswa. "Kung malaswa po 'yun tapos lalaki 'yung makakasama ko, parang mahihirapan ako. Pero comedy naman po ito kaya okay lang," say pa ni Carlo. Kung halimbawa raw na indie movie iyon at gay film pa, hindi raw siguro siya papayag dahil hindi pa siya handa sa mga ganoong klaseng eksena sa pelikula. Pero kung papipiliin si Carlo kung sino ang type niya sa mga female stars ng Desperadas 2 ay si Iza Calzado ang kanyang gusto dahil sa Filipina beauty nito. "'Yun kasi ang mga gusto ko sa babae. Crush ko po siya," pag-amin pa ng binata. * * * Kahit walang kinalaman si Cristine Reyes sa controversy ngayon ni Riza Santos sa Mint clothing line, nada-drag pa rin ang name niya sa issue simply because siya ang pumalit sa Fil-Canadian star bilang endorser. Nang makausap nga namin si Cristine, nilinaw niyang hindi niya sinulot si Riza. Ang nangyari raw kasi ay may mga trabahong iniwan ang co-VAA (Viva Artists Agency) and since pareho naman sila ng management ay siya ang ipinalit. Ayon naman sa publicist ng VAA na si Dudes Santiago, kaya nga raw kumukuha ng endorser ang isang kumpanya ay para mai-promote ang produkto. Pero sa kaso nga ni Riza, hindi raw nito sinipot ang mga campaign promo ng Mint kaya naman nagdesisyon na ang kumpanya na palitan ito. Ayon kay Cristine, huli niyang nakasama si Riza sa pictorial ng Banana Split. Dapat sana ay magkasama sila ngayon sa nasabing gag show pero nag-back-out nga si Riza at the last minute. "Hindi siya (Riza) tsinugi du'n, siya ang nagpatsugi," say pa ni Doods. Samantala, happy si Cristine sa nangyayari sa career niya ngayong 2008 kaya naman masaya niyang sasalubungin ang pagpasok ng Bagong Taon. Paano 'yun, malamig ang Pasko niya? "May jacket naman, eh," nakangiti niyang sabi. * * * Sa mga susunod na tagpo sa Your Song Presents My Only Hope, sasamahan ni Ashley (Nina Jose) ng buong araw si Jhun (Enchong Dee) bago siya lumisan ng Boracay. Biglang naisip ng dalawa na bakit hindi kaya sila maging "more than friends. " Sa kabilang dako, aaminin ni Keeno (Gerald) kay Rick (Xian Lim) ang tungkol sa aksidenteng kinasangkutan niya na may koneksyon sa ama ni April (Kim Chiu). Malalaman na rin ni August (David Chua) na isang ledge dancer si Yang (Regine Angeles). Napapanood ang My Only Hope every Sunday pagkatapos ng ASAP 08. Source: People's Tonight |