|
|
| Cristine takot nang bumalik sa binahang bahayAuthor: John Fontanilla SA masaklap na nangyari kay Cristine Reyes sa pananalasa ng bagyong Ondoy ay sinabi nitong hindi na siya muling babalik at titira sa bahay nila sa Pro-vident Village sa Marikina. Ito ang mariin niyang ipi-nahayag sa thanksgiving- presscon ng pelikula nila ni Richard Gutierrez na Patient X, showing na sa Oct. 28 under GMA Films, Viva Films at Gutz Productions. Balak daw niyang bumili muna ng mga gamit para sa kabibiling townhouse para doon na sila lilipat. Hindi na raw nito kayang bumalik sa dating bahay da-hil nagbabalik-alaala ang hindi magandang karanasan. Pero ang mommy niya ay walang balak ibenta ng naturang bahay at sa kasalukuya ay nakatira sila sa bahay ng kapatid na si Ara Mina. Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa mga tumulong sa kanya, unang-una kay Richard, sa kanyang Ate Ara, Maxene Magalona, Bianca King, Neil Uy at iba pa. Sa naging karanasan ni Cristine ay na-realize daw niyang lahat ng materyal na bagay ay puwede palang mawala sa isang iglap, kaya mas importante na mahalin at pahalagahan ang bawat araw na kasama ang mga mahal natin sa buhay. Gayundin, dapat na ang faith sa Panginoon ay hindi mawala dahil ito ang sandigan natin sa mga sakuna, tulad ng naranasan niya. * * * Patok sa viewers ang tambalang Marvin Agustin at Sunshine Dizon sa Tinik sa Dibdib. Kasi naman ay parehong magaling na aktor ang mga ito kaya kaaya-ayang panoorin kapag magka-eksena. Tsika nga ni Marvin, malaking challenge sa kanya ang role na ginampanan ni Philip Salvador noon, kaya pinag-aralaan niya ito nang husto. "Of course, may challenge dahil si Kuya Ipe ang gumanap. Pinanood ko 'yung movie and from there pinag-aralan ko ang sarili kong atake sa role. Kasi parang ang hirap namang lampasan ng isang Phillip Salvador, kasi gusto ko 'yung atake niya sa character," say ni Marvin. Ilang taon na ring loveless ang mahusay na actor/businessman/sportsman at ito raw ang pinili niya dahil mas gusto niyang mag-focus sa career. "Okey lang naman na loveless ako, kasi minsan we tend to focus on the things that we don't have and yet ang dami-dami namang bagay na meron tayo. " Sa ngayon, marami akong ginagawa at masaya ako with my kids, my family, my work, my business and my sport. " * * * MasayanG-masaya si Ogie Alcasid sa success ng movie nila ni Michael V under GMA Films at APT Entertainment na Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie. Until now kasi ay pini-pilahan at tumatabo sa ta-kilya ang comedy film. Laking gulat nga raw ni Ogie kasi noong Sunday ay tumabo ito ng P9 milyon at lalo pang tumaas noong Lunes at Martes dahil walang pasok ang mga estud-yante. Ani Ogie sa thanksgiving party ng kanilang movie, baka maraming gustong sumaya at makalimutan ang hindi magandang nangyari sa ating bansa dahil sa bag-yong Ondoy. Hindi pa raw alam ni Ogie kung may kasunod ang blockbuster movie nila ni Michael V. Pero abangan daw ang mga bagong charater na gagawin nila ni Michael V. dahil sigu-radong magugustuhan din ito ng mga manonood. * * * Isang huwarang artista si Richard Gutierrez na pag-katapos iligtas si Cristine Reyes ay ang pagtulong naman sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy ang kanyang pinagkakaabalahan. Nanawagan din si Richard sa mga gustong mag-volunteer para tuluyang malinis ang Tumana at magbigay ng donasyon para sa mga kababayan nating biktima ng bagyo. Halos araw-araw ay na-mamataan si Richard na tumutulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo kasama si Cristine Reyes. Gagawin daw ni Cristine ang lahat ng kanyang ma-kakaya para makatulong sa kanyang mga kababayan sa Marikina na katulad niya ay tinamaan ng hagupit ng bag-yong Ondoy. Ayaw na rin daw pansinin ni Richard ang mga taong ginagawan pa ng isyu ang kanyang ginagawang pagtulong. Source: Taliba |