Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

DINGDONG, KINUMBULSYON KINA MARIAN AT KATRINA!

DINGDONG, KINUMBULSYON KINA MARIAN AT KATRINA!

Author: Ruel Mendoza

MANGHANG-MANGHA si Dingdong Dantes sa kaseksihan na pinakita nina Marian Rivera at Katrina Halili nang kunan nga ang bikini showdown ng dalawa sa nangungunang primetime show ngayon na MariMar.

Kinunan sa isang resort sa San Pablo, Laguna ang paghaharap nina MariMar/Bella Aldama at Angelika Santiba�ez na suot lang ay mga seksing two-piece bikinis.

Gulat na gulat nga ang mga taong nasa paligid, dahil kahit nagngingitian sina Marian at Katrina habang �di pa nagte-take, ramdam nila ang tension sa dalawa, dahil paseksihan na ang labanan noong araw na iyon.

Pinakasuwerteng lalake ngayon ay si Dingdong na gumaganap bilang Sergio Santiba�ez, ang pag-aagawan nina Bella at Angelika. Nagulat nga rin si Dingdong sa tapang ng dalawa, dahil for the first time raw ay hindi niya alam kung sino ang tititigan niya ng matagal.

"Grabe na ito! Ako na yata ang pinakasuwerteng lalake ngayon sa telebisyon! Ha! Ha! Ha! Ha!" halakhak pa niya. "Imagine, may Marian ka na, may Katrina ka pa! What more can a man ask for, �di ba?"

Hiningan nga namin ng kanyang rating si Dingdong sa kaseksihan nina Marian at Katrina. Mula sa scale from one to ten, ano ang maibibigay niya sa dalawa?

"Naku, huwag na lang ako magbigay ng rating kasi lalabas na may papaboran ako. Ang masasabi ko lang ay magkaiba sina Marian at Katrina. Pareho silang nagpapainit pero magkaiba ang personalidad.

"Si Katrina, she�s so confident with her body. Wala kang ma-feel sa kanya na kinakabahan siya, because she knows for herself na napaka-sexy niya. Siyempre naman, two-time FHM Sexiest siya. �di ba? Iba ang dating ni Katrina, because she has the body and her morena skin compliments her.

"Si Marian naman, nandoon pa rin ang innocence niya kahit na nakasuot siya ng sexy bikini. Kahit na nagpapakita na siya ng strong personality as Bella, nandoon pa rin ang pagiging conservative niya. Hindi niya alam na napaka-sexy pala niya. Marami nga ang nagulat at pati na ako. Talagang kinarir niya ang pagpapaganda ng katawan, kasi nga si Katrina ang makakaharap niya," sabi ni Dingdong.

Hindi na nga bago si Dingdong sa ganitong eksena, dahil nauna na ngang humarap sa kanya sina Katrina at Cristine Reyes na nakasuot ng mga sexy bikinis sa isang eksena ng MariMar sa Zambales.

"Nilagnat yata ako after that! Ha! Ha! Ha! Ha!" malakas na tawa niya.

"Hindi ko alam ngayon at baka kumbulsyon na ang abutin ko after this scene! Ha! Ha! Ha! Ha!" nagbibirong sabi pa rin ni Dingdong.

Basta abangan ang nakakalokah pero mainit na tagpo na ito ng paghaharap ng mga katawan nina Marian at Katrina, sa nangungunang MariMar!

Siyanga pala, mapapanood din si Marian sa mga pelikulang Desperadas (with Ruffa Gutierrez, Iza Calzado at Rufa Mae Quinto) at Bahay Kubo (with Maricel Soriano) na parehong kalahok sa Metro Manila Film Festival.

At siyempre, hindi rin patatalo si Katrina, dahil kasali rin siya sa MMFF entry ng Regal Entertainment na Shake, Rattle & Roll 9 (Engkanto episode).�

Source: Abante