Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

DOCUniversity Tour

Author: Abante

HINDI nagpatumpik-tumpik si Karen Davila at Abner Mercado sa pagbahagi ng kanilang mga karanasan bilang dokumentarista at mamamahayag sa pagbulusok ng “The Correspondents DOCUniversity Tour” sa Unibersidad ng Pilipinas kamakailan lang.

Laksa-laksang iskolar ng bayan ang nakibahagi sa inaabangang symposium ng “The Corres­pondents” na lumilibot sa mga unibersidad at kolehiyo sa bansa upang himukin ang mga kabataang makialam sa mga isyu sa mundo at maging instrumento ng pagbabago.

“Naipakita na ng “The Correspondents” kung paano nakakapagbago ng buhay ang isang simpleng aksyon, gaya ng paggawa ng dokyumentaryo. Sa pamamagitan ng 'DOCUniversity Tour' mas marami pang tao ang maeengganyo na gumawa nito,” sabi ni Karen.

Napatunayan na ito ni Karen sa kaniyang mga dokyumentaryo tulad ng kuwento niya sa mga bata sa piitan. Matapos itong ipalabas ay ipinatupad naman ng gobyerno ang pagbabawal sa pagkulong sa mga batang nasa murang edad.

Kung hindi batas, ins- pirasyon naman ang dala ng programa, tulad ng nagawa ng dokyu ni Abner sa paglalakbay ng mga unang Pilipino sa tuktok ng Bundok Everest. Binigyan nito ng lakas ng loob ang mga Pilipinong nais ding patuna­yan ang kanilang kakayahan sa mundo.

Isa pang pinakaaba­ngang parte ng forum ang paghikayat sa mga kabataan na lumahok sa halalan sa 2010 at bantayan ang kanilang boto sa pamamagitan ng pakikiisa sa “Boto Mo, iPat- rol Mo: Ako ang Simula” movement.

Muli, ibabahagi nina Karen at Abner ang kanilang kaalaman at karanasan sa ikalimang “The Correspondents' DOCUniveristy Tour” sa De La Salle-College of Saint Benilde ngayon (Aug 7).

Source: Abante