|
|
| Daboy at LT masuwerte kay JinggoyColumn: Rated A Dahil sa kahilingan ni Rudy Fernandez na sa bahay na lamang nila sa White Plains siya magpapagaling, nangyari ito noong nakaraang linggo dahil pinagbigyan siya ng kanyang mga doktor sa Cardinal Santos Hospital. Ang mga ito na lamang ang dadalaw kay Daboy para sa kanyang check-up. Sa totoo lang, napakasuwerte ng mag-asawang Rudy at LT dahil napakarami nilang kaibigan (in and out of showbiz) na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanila. Hindi naging mahirap na ayusin ang den ng bahay ng mag-asawa na i-convert ito na pansamantalang kuwarto ni Daboy dahil ito'y inasikaso sa pamamahala ng misis ni Sen. Jinggoy Estrada na si Precy. * * * Strong contender sa pagka-best actor sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society ang actor-politician na si Sen. Jinggoy dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Katas ng Saudi, isa sa mga official entries sa 2007 Metro Manila Film Festival na siyang unang nakapagbigay sa batang senador ng kanyang kauna-unahang acting award. Honored si Sen. Jinggoy sa nomination niya sa Golden Screen Awards. Samantala, napag-alaman namin kay Sen. Jinggoy na may gagawin siyang bagong movie na isusulat at ididirek pa rin ni Joey Javier Reyes. Ang istorya ng pelikula ay iikot sa tunay na pagkakaibigan at ito'y alay niya sa kanyang kaibigang may sakit na si Rudy Fernandez. Nalulungkot si Sen. Jinggoy na malabo nang matuloy ang plano nilang magkakaibigan na gumawa ng pelikula na tatampukan nila nina Rudy, Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador. Sa mga kaibigan ni Rudy, si Sen. Jinggoy ang pinakaapektado sa pagkakasakit ng kanyang kumpare at kaibigang matalik. * * * Nang mawala sa daily morning show na Magandang Umaga Pilipinas si Tintin Bersola-Babao, mas nagkaroon siya ng panahon sa kanilang panganay ng husband niyang si Julius Babao na si Antonia. Mas nagampanan niya nang husto ang kanyang papel bilang maybahay ng kanyang kabiyak at ina ni Antonia. Unknown to many, isang hands-on wife and mom si Tintin sa kanyang mag-ama. Nagkaroon din siya ng oras para sa iba niyang mga charitable works ganoon din sa kanyang pagsulat ng librong pambata. Pero hindi nito ikinakaila na talagang na-miss niya ang buhay niya sa telebisyon. Kaya naman nang dumating ang alok para sa programang Busog-Lugog na proyekto ng ABS-CBN Foundation sa pakikipagtulungan sa National Nutrition Council, natuwa ang misis ni Julius. Ito'y napapanood tuwing Sabado ng umaga, alas-otso. Bukod dito, meron din siyang cooking show, ang Look Who's Cooking sa ABC-5 na napapanood din tuwing Sabado mula alas-11:30 ng umaga. Hinding-hindi namin makalimutan si Tintin nang ito'y fresh graduate pa sa UP. Naging production assistant siya sa pelikulang Dahil Mahal Kita na pinagbidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon at dinirek ni Laurice Guillen sa ilalim ng OctoArts Films. Ito'y taong 1992 bago pa man siya pumasok sa pagiging entertainment segment host ng TV Patrol. Magmula noon ay malayo na ang narating ng mommy ng aming inaanak na si Antonia. * * * Hindi na palaisipan ngayon kung sino ang gaganap sa lead role ng fantaseryeng Gagambino ng GMA 7 na likha ng Komiks King na si Carlo J. Caparas. Kumpirmadong si Dennis Trillo na ang gaganap. Samantala, marami rin ang naniniwala na may pag-asa pang makabawing muli si Hero Angeles kung ipu-ººpush lamang ito nang husto ng GMA at kung hindi magkakaroon ng attitude problem. Ang kailangan lamang niya ay tamang proyekto. * * *
Source: The Philippine Star |