|
|
| Daboy, kailangan ng milagroAuthor: Gerry Ocampo Pigil ang pag-iyak ni Senator Jinggoy Estrada nang magsalita para sa kaibigang si Rudy Fernandez sa healing Mass na ginanap para sa huli kamakailan. Marami ang nakaaalam kung gaano ang level ng pagkakaibigan ng dalawa, kaya malungkot ang senador sa tuwing magsasalita at uusisain tungkol sa sakit ng kaibigan. "Nandoon po kami kagabi sa ospital (Friday night). Akala namin, kagabi na ang gabing kinakatatakutan naming lahat, but he still managed to crack jokes. "Three years ago, I asked myself, 'why of all people, bakit si Rudy Fernandez?' Nine months after his operation, cancer cells were again active and he went to the United States for a month. When he came back, doon na po nagsimula ang problema. Doctors no longer have any alternative to offer, kaya sana po, ipagdasal natin siya. " Maging si Phillip Salvador, isa pang bestfriend ni Daboy, pointed out na despite his illness and pain, Daboy kept everyone's spirit up. "Alam mo ba, pinatatawa pa niya kami? Mas gusto ng Panginoon na nakikitang maraming nagdarasal para sa may sakit. If two or more people are gathered in His name, nakatingin ang Panginoon, so, its more powerful kung magkaisa tayo. Ang kahilingan ko, kahit na po hindi n'yo kilala si Rudy Fernandez, ipagdasal n'yo po siya. Have compassion," ani Ipe. Ayon sa isang malapit kay Daboy, milagro na lang talaga ang kailangan ng actor. Source: People's Tonight |