Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Daboy, lumakas sa Pacquiao-Barrera rematch

Author: Nitz Miralles

BONGGA ang Ignite Media, producer ng Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan dahil nag-charter ng plane para hindi ma-late si Iza Calzado sa shooting sa Batanes at para 'di maging cause of delay sa shooting ng Desperadas ng Regal Films.

Mahal ang ginawa ni Dave Hukom, pero nakasisiguro siyang hindi sila masisisi ni Direk Adolf Alix Jr. sa pagkabalam ng shooting.

May shooting si Iza sa Saturday afternoon at kung sa commercial plane siya sasakay, Saturday morning siya darating, pero dahil sa chartered plane, Friday evening nasa Manila na siya at maagang makakapag-report sa shooting.

Kaya lang, hindi sapat ang effort ng Ignite Media dahil hindi pa rin nasusunod ang shooting schedule ng Regal dahil pare-parehong busy ang cast ng Desperadas at Bahay Kubo.

Nai-stress ang kausap namin dahil November 17 pa ang last shooting day ng Desperadas kahit July pa sila nagsimulang mag-shooting.

Ang Bahay Kubo naman, sa December 1 ang last shooting day at showing na ito sa Dec. 25.

* * *

KARARATING ni Lorna Tolentino mula sa bakasyon nila ni Rudy Fernandez sa Hawaii, Las Vegas, Los Angeles, Anaheim at Mexico, at si Sen. Jinggoy Estrada naman ang umalis kahapon.

Sa Switzerland ang punta ng senador para dumalo sa International Parliamentary Union at kahit two days lang siya roon, nagpa-presscon na ang Maverick Films para sa pelikulang Katas ng Saudi, entry sa Metro Manila Film Festival ng comebacking Maverick Films.

First movie ito nina LT at Sen. Jinggoy at dahil magkaibigan, sure silang hindi mali-link sa isa't isa.

Pareho silang nagsabing hindi sila talo at si LT nga, sinabing wala silang kissing scene at hindi maganda kung may ganu'n silang eksena.

Nagbiro rin itong no choice si Sen. Jinggoy kung 'di kunin siyang leading lady dahil lahat ng gusto nito'y busy.

Si Angge ang nag-suggest na siya na lang ang pumareha sa senador at ginawa ito ng actress nang walang talent fee.

"This is for the love of . .. Ang laki ng tulong ni senador sa amin at maliit na bagay lang ito. This is for friendship at pagtanaw ng utang na loob. Kulang pa ito kung tutuusin dahil noong nasa LA kami ni Rudy, sa bahay nila kami tumuloy," sabi ni LT.

Ibinalita ni LT na parang lumakas si Rudy after mapanood ang laban ni Manny Pacquiao kay Marco Antonio Barrera.

Favorite nito ang boxing, kilala ang lahat ng boxers at pinanonood si Manny kahit noong bago pa lang lumalaban.

* * *

MAMAYA, isa sa guests ng anniversary ng Philippine Journalists, Inc. [publisher ng People's Tonight, People's Journal, Taliba, Women's Journal at People's Insider] ang Boyz. Com na binubuo nina Alwyn Uytingco, Gabb Drilon, Frank Garcia, Joseph Bitangcol at Polo Ravales.

Magbibigay ng sample ang grupo sa gagawin nila sa kanilang show bukas, October 20, sa Klownz, Angeles City, kasama ang guest nilang si Alessandra de Rossi, at sa Oct. 27, sa Zirkoh Timog, with guest Giselle Sanchez.

Tiniyak ng grupo na hindi madi-disappoint ang manonood sa kanila dahil hindi lang sing and dance ang kanilang ipakikita.

Isu-showcase rin ng lima ang talino sa pagtugtog ng musical instruments.

Sina Polo, Alwyn, at Gabb will play the guitar, si Frank ay sa keyboards at si Joseph ay magda-drums.

Pinaghandaan nila ang mga gagawin sa two shows para walang palpak at para magustuhan sila ng tao.

Produced ng DMV Entertainment ang two shows and directed by Manny Valera. For tickets, call, 374-1361 or 0917-4532427.

Source: People's Tonight