|
|
| Daboy, umuwi na![]() Author: People's Tonight SA wakas, natupad din ang kahilingan ng action star na si Rudy Fernandez na umuwi na ng bahay at doon na magpagaling sa sakit na kanser. Tsika ni Direk Boots Plata, pinayagan na ang aktor ng mga doktor niya sa Cardinal Santos Hospital na umuwi sa White Plains kahapon ng tanghali. Masayang-masaya raw si Daboy, dahil mas kumportable nga naman kung doon na siya magpapatuloy ng pagpapagamot. Ang misis daw nitong si Lorna Tolentino ang humihiling sa mga kaibigan na sana'y bigyan muna si Daboy ng panahong makapagpahinga. "Masaya si Daboy, pagod lang," dagdag na info pa ni Direk Boots. Kahapon nga pala ipinagdiwang ng mag-asawang LT at Rudy ang kanilang 25th wedding anniversary. As everybody knows, natsugi si Lara sa said noontime show dahil isinama ang boyfriend sa show nila sa Hawaii. Ayon sa dating beauty queen, hindi niya kasi alam na may ganitong house rules. As for Valerie, na matagal-tagal na ring co-host sa programa, wala siyang masasabi tungkol dito, but so far, wala siyang nagiging problema pagdating sa sinasabing "house rules. " Basta siya, kung ano ang sinasabi ng production, sinusunod niya. Kung sabihing ganitong oras siya kailangang dumating, ganito ang gagawin, ganito ang isusuot, sumusunod siya. Siyempre, ani Val, private na 'yun personal matters niya at hindi saklaw ng programa. Pero as long as hindi niya napapabayaan ang trabaho, wala siyang nagiging problema about it. Bukod sa noontime show, busy si Valerie sa out of town shows at corporate events. May lalabas din siyang TV commercial at maglalabas din ang Slenda (slimming product) ng dance video niya. Kasama rin siya sa bagong gag show ng ABS-CBN na Banana Split, pero wala pang airtime, kaya nahinto muna ang taping at magre-resume sa June or July. Vinia Vivar/Ian Farinas Source: People's Tonight |