Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dalawang EB Babes pamalit ni Dingdong kina Karylle, Marian

Author: Joferd Nievera
Column: Sagap

SUSUGOD sina Iza Calzado, Iwa Moto, Eula Valdez, Andrea del Rosario at Maui Taylor sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.

Pupunta ang nasabing actresses doon hindi upang maghagilap ng 'papa' o magsugal sa karera ng kabayo, but to support Mowelfund sa gagawing fund-raising campaign doon. Ayon kay Direk Boy Vinarao, pasimuno ng proyektong Mowelfund Cup, ang fund-raising na ito sa Carmona ngayong Sunday ay para makalikom ng pondo this year para sa projects ng Mowelfund. Malaking tulong din ito sa foundation para maipagpa-tuloy nila ang layuning ma-bigyan ng suporta ang mali-liit na manggagawang Pinoy sa lokal na industriya ng pe-likula.

Sinabi pa ni Direk Vina-rao na sa pagpunta nina Iza, Iwa, Eula, Andrea at Maui sa karerahan ng kabayo sa Cavite, makakakumbinsi silang tumaya ng malaki ang mga karerista para maka-pagkaloob ng malaki-laking tulong sa Mowelfund. Ang mga aktres ding ito ang mag-aabot ng tropeo sa mga mana-nalong hinete. Hindi rin ma-wawala ang kasalukuyan pa-ngulo ng Mowelfund, ang masipag na si Boots Anson-Roa. Na ayon sa kanya ay parang nag-uumpisa ulit ang Mowelfund dahil sa kawa-lan ng pondo matapos kaltasan ng gobyerno ang kanilang share sa kita mula sa Metro Manila Film Festival. Ipinahayag ni Direk Boy na abangan din ang ga-gawing fund-raising campaign ng Mowelfund kung saan magkakaroon ng Daboy Cup, FPJ Cup at Erap Cup.

By the way, sina Rep. Mikey Arroyo, Mayor Ben-hur Abalos at iba pang mga horseowner ang naging sponsor sa fund-raising campaign ng Mowelfund sa Carmona, Cavite.

* * *

GRABE! Ipinagpalit na pala ni Dingdong Dantes si Marian Rivera, hindi lang sa isang tsiks kungdi dalawa pa.

Balitang dalawang EB Babes ang pinupuntirya ngayon ng aktor para pa-litan na sa kanyang puso si-na Karylle at Marian. Pero, maniniwala kaya ang madlang lalo't alam nilang adik as in adik si Dingdong sa ka-gandahan ni Marian na dahilan ng pakikipaghiwalay ni Karylle sa syotang aktor? Kung mestisa rin ang dalawang EB Babes na ito, maniniwala ka. Kung hindi sila mestisa at kasing ganda ni Marian, malamang gimik ito para sa ipapalabas na bagong TVserye nina Fredo at Dyesebel' na Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

* * *

NAGBABALA ang First Gentleman Foundation sa publiko laban sa isang lala-king nagpakilalang Jerry, Rico o Jerico Gamulo na nagsasabing tauhan siya ni First Gentleman Mike Arroyo para siya makapangotong sa mga lokal na opisyal ng gobyerno.

Binigyang-diin ng FG Foundation na walang ki-lala o tauhan si Ginoong Ar-royo na nangngangalang Jerry, Rico o Jericho Gamulo. At lalong hindi pinapayagan ng Unang Ginoo ang na-turang impostor na gamitin ang kanyang pangalan sa anumang transaksyon sa gobyerno, ayon pa sa foundation. Higit sa lahat, walang papayagang sinuman si Ginoong Arroyo kahit kailan na gamitin ang kanyang pangalan upang makakuha ng salapi o pabor mula sa kaninuman sa anumang dahilan.

Ginawa ang babalang ito ng First Gentleman Foundation matapos makatanggap ang pamunuan nito ng ulat na si Gamulo ay nagpapakilalang tauhan ng Unang Ginoo sa kanyang paghingi ng cash advances mula sa mga lokal na opisyal ng Bohol kapalit ang mga proyekto ng Arroyo government.

Sinasabi pa umano ni Gamulo na may hawak si-yang Special Allotment Re-lease Orders o SARO para sa mga proyektong may ka-ugnayan sa fertilizer.

"Nakikiusap si FG sa madla na agad ipahuli sa mga alagad ng batas ang sinumang magpapakilalang tauhan siya ng Unang Ginoo sa paghingi ng mga ito ng pera sa kanila kapalit ng mga proyekto o pabor sa gobyerno. Walang exception sa pakiusap na ito ng Unang Ginoo," ayon sa FG Foundation na pinamamahalaan ni Ms. Juris Soliman.

Source: Taliba