|
|
| Dalawang anak ni Aiko close na sa kanyang bagong dyowa![]() Author: Aster Amoyo Ngayong Linggo sa The Buzz nakatakdang i-reveal ang tunay na identity ng aktor na gaganap sa papel na Armando sa I Love Betty La Fea na tatampukan ni Bea Alonzo. Ang hula ng marami ay malamang daw na si John Lloyd Cruz ang mysterious actor. Subok na ang tambalang Bea-John Lloyd kaya hindi kami magtataka kung totoong si John Lloyd nga ang mystery actor. Kung si John Lloyd nga ang muling makakapareha ni Bea, bakit daw kailangan pang ibitin ang publiko? Marketing strategy ba ito para maging curious ang mga tao? * * * When it rains, it pours! Ito ngayon ang nangyayari sa sexy young star na si Katrina Halili na hindi magkandaugaga sa rami ng projects na ginagawa at sisimulan pa lamang. "Nagpapasalamat po ako sa patuloy na mga blessings na dumarating sa akin," aniya sa presscon ng kanyang bagong TV series, ang Obra kung saan siya ang kauna-unahang tampok na bituin sa loob ng isang buwan at apat na de kalibreng mga direktor ang kanyang katrabaho, sina Joel Lamangan, Mario J. delos Reyes, Jun Lana at ang nagdi-debut bilang director, ang mahusay na writer na si Bibeth Orteza-Siguion-Reyna. Although malapit nang magtapos ang TV remake ng movie classic na Magdusa Ka, heto't meron kaagad na bagong project sa GMA si Katrina. Si direk Joey Javier Reyes naman ang kanyang makakatrabaho for the first time sa kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie, ang One Night Only sa bakuran ng OctoArts Films kung saan tampok ding mga bituin sina Diana Zubiri, Valerie Concepcion, Iya Villania at iba pa. Pagkatapos ng One Night Only ay agad ding sisimulan ni Katrina ang movie remake ng isa pang klasikong pelikula ni Vilma May mga product endorsements na ring gagawin si Katrina. * * * Wala mang direktang pag-amin na nagmumula kina Kristine Hermosa at Oyo Sotto, marami ang naniniwala na may relasyon ang dalawa lalo pa't matagal-tagal na ring nali-link ang dalawa. Sina Kristine at Oyo ay magkasamang dumating sa premiere night ng Dobol Trobol na pinagbibidahan nina Dolphy at Vic Sotto. Sa set ng Enteng Kabisote movie series nagkalapit ng loob sina Kristine at Oyo. * * * Two failed marriages na ang pinagdaanan ng actress-politician na si Aiko Melendez at may tig-isa siyang anak sa dalawa niyang ex-husbands na sina Jomari Yllana at Martin Jickain, sina Andrei (9) at Marthena (2) pero hindi ito nangangahulugan na tuluyan na niyang isinarado ang kanyang puso. Katunayan, meron na namang isang Patrick Meneses na muling nagpapatibok ng kanyang puso ngayon. Masaya at inspired muli si Aiko at natutuwa siya dahil very close si Patrick sa kanyang dalawang anak. Samantala, nananatiling open ang communication ni Aiko sa dalawa niyang ex-husbands dahil sa kanyang mga anak. Ayaw naman niyang mawala ang respeto at pagkilala ng mga bata sa kanilang mga ama. * * * May dalawang anak na rin si Jean Garcia sa magkaibang guy pero hindi ito rason para hindi mainlab sa kanya ang kanyang Loving You co-star na si Polo Ravales na mas batang 'di hamak sa kanya. Sa pag-ibig naman kasi ay walang limitasyon ang edad at katayuan sa buhay basta ba ang dalawang tao ay nagkakaunawaan at nagmamahalan. * * * Kung kayo'y magagawi ng Tacloban City, napakalinis nito ngayon at mahigpit ang siyudad sa jaywalking na ipinatutupad ng namununo sa city na si Mayor Alfred Romualdez, ang masipag na mister ng singer-actress-turned politician na si Cristina "Kring-Kring" Gonzales, ang number one councilor naman ng siyudad. Maganda ang tandem nina Mayor Alfred at Kring-Kring at marami pa silang magagandang proyekto para sa siyudad. Nung nakaraang Sabado ay nagkaroon kami ng pagkakataon na maka-dinner ang mag-asawang Alfred at Kring-Kring kasama ang ating mga kaibigan at kasamahan sa panulat na sina Ronald Constantino, Ricky Lo, Crispina Belen at Dinno Erece at nai-share sa amin ng mag-asawa ang magaganda nilang plano sa Tacloban lalo pa't isa na ito sa mga premier cities sa Visayas. Nung nakaraang fiesta ng Tacloban, personal kaming naimbitahan nina Alfred at Kring-Kring at personal naming nasaksihan ang mga pagbabago ng siyudad na balwarte ng dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos, tiyahin ni Mayor Alfred. * * * Source: The Philippine Star |