|
|
| Dalawang game shows ng Siyete, titigbakin!Author: Noel Asiñas TOTOHANAN na ang paggawa ni Regine Velasquez ng local version ng Korean soap na Kim Sam Soon dahil nasa pre-production stage na ito. Sabi ng source namin, hindi pa tiyak kung sino ang gaganap na dalawang leading men ni Regine, basta't ang alam niya'y tuluy na tuloy na ang taping nito. Ang Kim Sam Soon ay isang top-rating Korean soap sa primetime noon. Baker/ chef ang lalabasang papel ni Regine, na nag-aral pa ng Culinary Arts sa France. Dito iikot ang nakatutuwa at madadramang eksena ng soap. Sabi ng aming source, 'yung isang magsasara ay one season lang talaga ang kontrata. Clue: Ito'y local version ng isang game show na hit din sa abroad. Samantala, ang ikalawang game show na matsutsugi sa ere ay matagal nang ipinalalabas. In fact, marami nang nanalo ng milyones dito. Talagang masaya itong panoorin dahil may kakaibang challenge at shocking ang ipinagagawa sa celebrity contestants. Dahil top-rating naman, in fairness, ang dalawang tatanggaling game shows ay balitang ibabalik sa ere early next year. Kaya, mali ang balitang papatayin ang isa sa dalawang game shows para ma-accommodate ang Celebrity Duets. Ang dinig namin, later this year pa ito i-ere. Kung puwede lang, gusto ni Valerie na free siya kapag Sundays. Ipinapasyal niya kasi si Fiona. Masaya na raw kasama ang bagets dahil madaldal na at maraming ikinukuwentong bago sa kanya. Nilinaw din ng young actress na wala na silang communication ng dating madalas niyang ka-date na PBA player. Last year pa raw sila huling nagkita. Pero, sa all-Filipino championship ng PBA nu'ng isang gabi, kung saan nagwagi ang Sta. Lucia versus Purefoods, buong ningning na ipinakita si Val kasama ang isang kaibigang babae na nasa audience. Sino kaya ang tsini-cheer ni Val doon? Kung hindi kami nagkakamali'y naka-green itong T-shirt, kulay ng Sta. Lucia team. So, ibig sabihin, maka-Sta. Lucia ang aktres? Source: People's Tonight |