Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dancer at singer-actress, patago ang relasyon

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Two years na ang relasyon ng isang singer-actress sa boyfriend niyang dancer, pero hindi niya maipakilala kahit sa showbiz friends niya dahil ayaw ng kanyang manager. Ayaw ng manager na malaman ng fans ng singer-actress na taken na ito't may ka-love team siyang sinusuportahan at kinakikiligan ng fans.

Dahil bawal makita ang singer-actress in public na sweet-sweetan sa ibang guy, never silang nagdi-date ng BF. Sa bahay lang niya sila 'pag parehong libre sa trabaho, dahil kahit magkasama sila sa show, 'di sila puwedeng magtsikahan kahit magtabi man lang.

Tanggap ng singer-actress ang sitwasyon nila ng BF, pero wish nitong dumating ang time na libre silang nakalalabas at maipakilala na niya sa mga kaibigang artista ang nobyo.

* * *

Sina Frencheska Farr at Geoff Taylor ang tinanghal na winners sa Are You The Next Big Star?, ang singing search ng GMA-7 sa grand finale last Sunday. Nanalo sila ng P1millon cash from SM Supermalls, unit from Avida Towers New Manila, exclusive management contract from GMA Artist Center, P100,000 worth of clothes from Edwin Uy & Pepsi Herrera at recording contract from GMA Records.

May hang-over pa ang dalawa nang makausap after the contest at sabi ni Frencheska, gagamitin niya ang pera para matapos ang ipinapagawang bahay sa Las Piñas. Gagastusin naman ni Geoff ang pera para magkaroon na siya ng dual citizenship.

Kinabahan si Geoff ng twice mapili ng judges si Alex Castro, pero 'di nawalan ng pag-asa. Mas na-challenge si Frencheska nang mapili ng isang judge si Camille Cortez over her. Hindi na pumasok sa Top 4 sina Jay Perillo at Zyrene Pasad, tanggap ni Jay ang pagkatalo, pero 'di napigilang maiyak backstage. Sana, isama si Jay sa Bro Band ng S. O. P. dahil gitarista rin siya.

* * *

Dalawa sa kasali sa Celebrity Duest 3 sina Jomari Yllana at Janina San Miguel at simula sa August 29, makikipagtagisan sila sa kantahan sa pito pang contestants na kinabibilangan nina Gina Alajar, Mikaela Bilbao, Joel Cruz, Maxie Cinco, Niccolo Cosme, Akihiro Sato at WBA Interem Superflyweight Champion Nonito Donaire, Jr.

Nasilip namin ang first taping day ng siyam at si Arnell Ignacio ang naka-duet ni Gina sa Proud Mary. Tumanggap naman ng papuri si Janina sa judges na sina Danny Tan, Tessa Prieto-Valdes at Freddie Santos sa number niyang Jai Ho with Maureen Larrazabal dahil todo-bigay ang pagkanta't pagsayaw.

Ang ganda-ganda ni Janina sa kanyang publicity photo at who knows, baka pang-showbis talaga siya at hindi pang beauty queen.

Tinanong na namin ito kay Jomari at 'di sinagot kung papayag siyang maka-duet ang exes niyang sina Ara Mina at Pops Fernandez. Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang hosts ng Celebrity Duets sa direksyon ni Louie Ignacio.

* * *

Tuesday sa Rosalinda, magbibigay ng flyers si Rosalinda (Carla Abellana) para mahanap ang anak na si Erika. Kukunin ni Valeria (Sheryl Cruz) sa bahay ni Berta (Ayen Laurel) ang bata na balak niyang patayin.

Mao-ospital si Erika sa taas ng lagnat at mababaliw si Rosalinda sa kakahanap sa anak. May nakita itong manika at iisiping anak n'ya 'yun. Simula pa lang ito nang paghihirap ni Rosalinda mula nang paalisin ni Fernando Jose (Geoff Eigenmann) sa bahay.

* * *

Tuesday sa Adik Sa 'Yo, palpak ang plano ni Joana (Jolina Magdangal) na ma-turn off si James (Wendell Ramos) sa kanya. Napansin naman ni Carlos (Marvin Agustin) sa date nila na ibang singsing ang suot ng dalaga.

Ipinadala ni Madam F (Eugene Domingo) sa Batangas si Karen (Jennica Garcia) para mag-asikaso sa TVC shoot ng Ruben's Tuba na bida sina Ruben (Dennis Trillo), Camille (Pauleen Luna) at Polo (Polo Ravales). Sa TVC shoot, naaksidente si Camille at si Karen ang ipapalit, kaya biglang iniba ni Ruben ang concept ng commercial.

Source: People's Tonight