|
|
| Danita cries, she can no longer stand her motherAuthor: Rowena Agilada Sa exclusive interview ni Boy Abunda sa "The Buzz," sinabi ni Danita na hindi na niya kaya ang ginagawang pagkokontrol sa buhay niya ng kanyang mama Daisy. Parati na lang daw 'yung gusto nito ang nasusunod. Ayon pa kay Danita, gusto niyang sa piling ng kanyang daddy na tumira, pero ayaw daw ni Daisy. Gusto rin daw nito na tama na 'yung natapos niya ang high school at mag-showbiz na lang siya. Inakusahan din ni Danita ang kanyang mama Daisy ng pambubugbog kapag ayaw niyang sundin ito. May instance pa nga raw na na-ban siya sa isang show dahil minura ng kanyang mama Daisy ang organizer dahil may hindi ito nagustuhan. Second time na niyang nilayasan ang ina-inahan, ayon pa kay Danita. Ang hilig daw manakot at manisi ng kanyang mama Daisy. Gusto nga raw sana niyang makipag-usap para maayos lahat, pero natatakot siya dahil baka raw kaladkarin siya nito. "Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang nagpalaki sa akin. Pero hindi ko kailangan ang material na bagay. Sorry, hindi ko na talaga kaya. Pareho na tayong nasasaktan. Ayoko na minumura ako. Parati na lang wala akong choice. Impiyerno sa bahay na 'yon," words to that effect na sabi ni Danita. Ayon naman sa pahayag ni Daisy sa "The Buzz," siya ang nasa impiyerno dahil masama ang ugali ni Danita. Kapag gusto raw nitong umalis at kung anong oras gustong umuwi, wala siyang magawa. Kapag nagagalit daw si Danita ay nagbabasag. Binasag nga raw nito ang gitara. Ayon pa kay Daisy, hindi totoong ayaw niyang pag-aralin sa college si Danita. Pinag-aral niya ito sa OB Montessori at Ridley International School. Gusto niya raw itong mag-college sa St. Paul, pero ayaw ni Danita. Hindi rin daw niya ito pinilit mag-showbiz. "Lahat, ibinigay ko sa kanya. Spoiled siya sa akin. Dinadalhan ko pa ng pagkain sa kuwarto niya. Hindi ko siya sinasaktan. Sumasagot nga siya kapag pinagsasabihan ko. Ang pagkakamali ko lang siguro bilang ina, sobra ko siyang minahal," pahayag ni Daisy. Source: Tempo |