Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dapat pakasalan ni John Lloyd si Luis -- Gov. Vilma

Author: Gerry Ocampo

Tinanong namin si Ryza Cenon, Starstruck 2 Ultimate Female Survivor, kung totoong nagtatampo raw siya sa GMA Artist Center dahil hindi siya nabibigyan ng project.

Huling project niya ang Fantastic Kids kasama sina Mark Herras at Marky Cielo.

"Hindi naman nagta-tampo. Kasi kahit wala akong regular show ay madalas naman akong mag-guest sa iba't ibang programa ng GMA-7. Every Sunday nasa SOP ako," depensa ni Ryza.

Pagmamalaki ni Ryza sa pa-contest ng SOP na Audition Celebrity Dance ay dalawang grupo na lang ang maglalaban sa final na magaganap this Sunday.

Ito ay ang grupo nila ni Rainier Castillo versus Mark and Chynna Ortaleza.

"One hundred thousand pesos ang cash prize at kalahati nito ay ido-donate sa charity. Isang karangalan siyempre kapag kami ni Rain ang naging kampeon," kuwento ni Ryza.

Pinaghahandaan na rin ni Ryza ang mahalagang papel para sa Rosalinda kahit ang nasa title role ay si Carla Abellana.

Naniniwala siya na darating din ang right project na siya ang lead star at ngayon ay kuntento sa mga ibinibigay na project ng Siyete.

Ask kung anong reaction niya sa sex video scandal ni Katrina Halili.

"Of course nakikisimpatiya kami kay Kat. Maging matatag siya dahil darating ang panahon na makakamit din niya ang katarungan ipinaglalaban," aniya.

* * *

Alam ni Jolo Revilla na bawal dumalaw sa set ng programang Lipgloss kung saan isa sa mga bagong pasok sa cast ang girlfriend niyang si Lovi Poe.

Todo-paliwanag si Jolo na once lang siyang pumunta sa taping ni Lovi at hindi siya nagbabad at nagbantay.

Dinalhan lang daw niya ng Starbucks coffee ang da-laga at ibinili na rin ang buong staff and crew ng naturang teleserye.

Never daw nagselos siya na baka may ibang guy na manligaw kay Lovi dahil una ay tiwala siya sa dalaga at busy siya sa pag-aaral nga-yon.

Hindi siya kasama sa Ang Panday ni Senador Bong Revilla dahil nakasentro sa kanyang pag-aaral at nangako na hindi agad mag-aasawa.

"Mag-aaral ako at mag-iipon muna, Magpapayaman ako bago magpakasal. Kasi 'yan ang ipinangako ko sa aking magulang," say ng binata ni Kap.

Tungkol naman sa pagtakbo ng amang si Senator Bong sa mas mataas posisyon

Ayon kay Jolo, nakasuporta silang magkakapatid sa anumang ma-giging desisyon ng kanilang ama.

* * *

Bago pumasok si Lipa Governor Vilma Santos sa Henry Lee Irwin Theater para tanggapin ang Life Achievement Award ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ay nagpaunlak itong magpa-interview sa press at TV crew nasa looby ng theater.

Muling pinagdiinan ni Ate Vi na wala siyang planong tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2010 elections.

Aminado naman si Gov. Vi na maraming tumatawag at humihikayat na mag-bise presidente siya pero 'di niya ito bi-nigyang pansin dahil nakatuon naka-focus siya sa kanyang panunungkulan sa Batangas.

Samantala, masaya si Gov. Vi dahil nakunan na ang mga eksena nila ng anak na si Luis Manzano with John Lloyd Cruz sa pelikulang In My Life sa Tate.

Hindi raw niya napanood ang kissing scene ng anak at ni Loydie pero ikinuwento naman daw sa kanya ng dalawa ang naganap na halikan.

Nasabi raw ni Ate Vi na dapat pakasalan ni John Lloyd ang kanyang anak na si Luis.

So, talagang pag-uusapan pala ang naging halikan nina Loydie at Luis.

* * *

Ano raw ba ang sekreto nina Michael V at Ogie Alcasid sa pagpapatawa kaya napapanatili nitong number one ang kanilang Bubble Gang every Friday evening pagkatapos ng GMA Tele-babad sa Siyete.

Nagkakaisa sina Angelina at Yaya role nila sa BG na tulungan ng bawat isa sa cast at pagkakaroon ng bo-ses para magbigay ng kanya-kanya ideya ng pagpa-patawa ang ilan lang daw sa sikreto kaya laging bago ang mga joke nila sa show.

Isama pa ang pagkakaroon ng tunay na samahan, pagkakapantay-pantay ng lahat at pagtitinginan bilang mga tunay na magkaka-patid.

Of course, hindi raw mawawala ang galing at talino ng kanilang director na nagbibigay sa kanila ng tiwala at pagkakataon na ilabas at ipakita ang kanilang talent sa pagpapatawa,

Higit sa lahat, dahil din sa loyal viewers ng show every Friday.

Balewala ang kanilang pagsisikap na makapagbi-gay ng kasiyahan sa televiewers kung hindi dahil sa mga ito.

Source: Taliba