Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Daring roles are okay with Jon Avila, but "I will never do frontal nudity."  

Jon Avila's dedication to his craft makes him open to gay films. "It's part of my job to explore different roles."

Author: Rommel L. Gonzales

All-praises si Jon Avila sa leading lady niyang si Valerie Concepcion sa afternoon teleserye ng ABS-CBN na Pat is Tin.

Dati nang nagkasama sina Jon at Valerie sa pelikulang One Night Only and recently ay muli silang nagkasama, this time sa isang workshop for their new show sa Kapamilya network.

"I'm to work with her again. She's a very nice lady, fun to be with, okay katrabaho and very professional," ayon kay Jon.

Hindi nakikitang hindrance para kay Jon na magkagusto siya sa isang babaeng may anak sa pagkadalaga.

"Why should it be? A child is a blessing."

GAY MAGNET. Guwapo at very hunky, aware si Jon na maraming gays sa showbiz. In fact, inamin sa amin ni Jon na nakatanggap na siya ng "indecent proposal" mula sa isang bading.

"I've experienced isang time, pero hindi ako pumayag. Noon pa yun, medyo mataba pa ako, 200 pounds ako noon, ngayon 170 pounds na lang ako. Hindi pa ako artista noon. Sabi niya kung gusto ko ng cellphone na bago. Sabi ko, 'Bakit?'

"Sinabi niya, gusto niya ng one night stand, in person niya sinabi yun. Ganun lang, akala ko biro, e."

Of course, tinanggihan ni Jon ang offer. "Wala, ayoko, kahit seryoso siya, hindi pa din. I don't need to do that.

"Ngayong artista na ako wala nang ganun, walang nag-a-approach nang ganun. Of course hindi pa rin ako papayag. Why should I? Kahit pa malaki ang i-offer, hindi talaga ako papayag. That's not my thing."

NO INHIBITIONS. Hindi naman nakapagtatakang may mga magkagusto at magnasa kay Jon. Katakam-takam naman talaga ang kaguwapuhan at hunkiness niya.

At walang inhibitions si Jon sa pagsuot ng briefs or swimming trunks sa mga pictorials or pelikula. But hanggang doon lang ang kaya ni Jon. "Hanggang briefs lang."

Kung bed scenes? "Depende sa role, kung challenging talaga yung role at yung story."

Kung ang role na ipapagawa kay Jon ay lover siya ng isang bading at may mga bed scenes and kissing scenes with a male actor, papayag si Jon.

"It depends, if I trust the director or the production. Kung okay naman, I will do it. It's part of my job, to explore different roles."

Pero kung may isang bagay lamang na never daw gagawin ni Jon, iyon ay ang maghubu't-hubad sa harap ng kamera.

"I will never do frontal nudity."

Si Jon ang gaganap na ka-love team ni "Darling" played by Judy Ann Santos sa OMG! (Oh My Girl!) kung saan si Ogie Alcasid naman ang leading man ni Judy Ann.

Sa direksyon ni Dante Nico Garcia, mapapanood na ang Regal Entertainment, Inc. movie na ito sa mga sinehan ngayong July 29.

Source: Philippine Entertainment Portal