Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Darna' costume ni Marian, aprub kay Dingdong!

'Darna' costume ni Marian, aprub kay Dingdong!

Author: Ruel Mendoza

Ayaw nga paapekto ni Marian Rivera sa pagkumpara ng marami sa pagiging Darna niya sa pagiging Darna rin noon ni Angel Locsin.

Sabi nga ni Marian, mas maganda raw na maging positive na lang siya sa mga nangyaya­ring maganda sa buhay niya ngayon kesa sa isipin niya ang mga negative na pintas ng marami.

Aware nga si Marian na may mga taong gusto pa rin siyang sirain at ibagsak, lalo na noong lu­mabas ang mga litrato niyang suot ang bagong Darna costume.

Nandiyan ang sabihin na hindi naman daw siya sexy at maputi lang daw siya. Pero imbes na mainis, pinagbubutihan ni Marian ang kanyang pagganap as Darna.

“Nag-first taping day na nga kami at ang saya-saya namin. Walang negativity sa set namin. Gusto kasi namin maging maganda ang Darna.

Gusto naming abangan nila ang mga mangyayaring bago sa show na ito,” sabi ni Marian.

Mas conscious nga si Marian ngayon sa kanyang katawan. Dahil nga kailangang naka-harness siya at pag-aralan ang Wushu, dapat ay magaan ang katawan niya at flexible ang mga kilos niya.

“Naku hindi madali ang naka-harness. Masakit sa katawan. Pero dahil sa nagdyi-gym na ako ngayon, naku­kondisyon ang katawan ko. Nagiging maliksi na ang mga kilos ko. Sa Wushu kasi kailangan magaan ang katawan mo. Mahirap mag-backflip kung mabigat ka. Kaya alaga na ako sa katawan ngayon.”

Hindi ba na-shock si Dingdong Dantes nang makitang sobrang sexy ang Darna outfit niya?

“Ay hindi ko alam! Wala naman siyang sinasabi na masyadong sexy ang suot ko. I think naiintindihan naman niya kung bakit gano'n ang suot ko. Sinasabi lang niya na mag-robe ako agad para hindi ako lamigin o magkasakit.

“Hindi naman gano'n si Dong, eh. Noong ginagawa namin ang Marimar at Dyesebel, may mga sexy rin akong mga suot pero wala naman siyang sinasabi. Tahimik lang naman siya. Pero alam mo na nandoon ang concern niya sa akin.

“Concern naman si Dong sa akin. Gentleman kasi siya kaya gusto niya ay nasa ayos ako. Isa nga sa gusto ko kay Dong ay ang pagiging suppor­tive niya. Alam niya ang trabaho namin at nandiyan siya parati para tumulong kung kinakaila­ngan ko,” sabi na lang ni Marian.

Source: Abante