|
|
| 'Darna,' gagawin ni Marian sa Siyete![]() Author: Nitz Miralles SI Marian Rivera lang sa major cast ng Desperadas ang absent sa Christmas party-cum-presscon ng Regal para sa three entries nila sa Metro Manila Film Festival. Nagsu-shooting ito ng A Very Special Love, Valentine movie nila ni Richard Gutierrez, pero tiniyak nitong darating sa premiere night ng Bahay Kubo sa December 19, at Desperadas sa Dec. 23. Join din siya sa Dec. 24 parade at sa karosa ng Desperadas sasakay. Sa March next year pa magtatapos ang MariMar, pero may ugong nang Darna ang next project ni Marian sa GMA-7. Mas may ingay ito kesa sinasabing ang Rosalinda o kaya'y Dyesebel ang susunod niyang serye. Tinanong na namin ang actress sa posibleng susunod niyang serye, pero bawal isulat ang kanyang sagot. Sigurado kaming iba't ibang reaction ng tao kung 'yun ang matutuloy. May matutuwa at may magtataas ng kilay. Samantala, sa MariMar mamaya, maiintriga si MariMar kung sino ang kapatid niyang sinabi ni Vanessa Mae (Lani Mercado). Kilalanin kaya niya ang kapatid? Mabubunggo naman sa sobrang kalasingan si Angelika (Katrina Halili) at makikita 'yun ni MariMar. Hindi nito alam kung tutulungan ang kaaway o pababayaan na lang. Nang magkamalay, malalaman ni Angelika na si MariMar/Bella ang tumulong sa kanya. * * * DAHIL nabago ang date ng awards night ng Metro Manila Film Festival (from December 29, 2007 to January 4, 2008), hindi na matutuloy ang plano nila ni Ryan Agoncillo na mag-abroad. Balak sana ng mga bida ng Sakal, Sakali, Saklolo na dalhin sa Disneyland ang anak nilang si Yohan at aalis sila after the original schedule ng awards night. Dahil nabago ang awards night, plus may two hearings pa para maayos ang papers ng bagets, baka sa Palawan na lang sila pumunta o kahit saang lugar na may beach, dahil beach baby pala si Yohan. Sa halip na two weeks, one week na lang magbabakasyon ang tatlo't may mga trabaho silang haharapin. Ibinalita pala ni Alfie Lorenzo na pumirma ng two contracts sa Nestle si Judy Ann. Siya na ang endorser ng lahat ng produkto nito. Isa lang ito sa mga bagong endorsements ng actress at marami pang darating. * * * MAGANDANG Christmas gift na kay Lovi Poe ang pagkakasama sa Shake, Rattle, & Roll 9, dahil dati'y pinanonood lang niya ito sa Metro Manila Film Festival. Ngayon ay isa na siya sa mga bida ng Christmas Tree episode at kahit horror, proud siya sa first movie niya sa Regal. Natuwa ito sa nalamang kasama siya sa cast ng Ultra Magnetic Love, her second project kay Mother Lily. Wish nitong magtuluy-tuloy next year ang magandang takbo ng kanyang career sa movies at TV, kung saan regular siya sa Zaido. Natuwa rin ito sa nalamang extended ang show up to February 8, 2008. Birthday pala ni Fernando Poe Jr. noong December 14 at dumalaw si Lovi sa puntod ng ama, alas-tres ng madaling-araw. Kinausap daw niya ang ama at binabalitaan ng nangyayari sa kanya, pati ang planong pagtatayo ng restaurant na pag-iipunan pa niya. * * * MAGPA-PILOT sa January 12, 2008 ang Patayin sa Sindak si Barbara, first installment ng ABS-CBN Sine Serye Presents: The Susan Roces Cinema Collections. Bida rito sina Kris Aquino at Susan Roces, ang tinaguriang Box-Office Horror Queen at Queen of Philippine Movies, respectively. Kasama sa horror-drama series sina Eva Darren, Jodi Sta. Maria, Maja Salvador, Jay-R Siaboc, Kitkat, Celine Lim at Albert Martinez. Naalala namin, nagkasama na sa Mano Po 2 sina Kris at Susan, pero wala silang eksena together dahil si Kris ang gumanap na young Susan sa pelikula. First time nila to work on TV at tiniyak ni Kris na nakakatakot ang PSSSB. Source: People's Tonight |