Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dating sexy star, lumagapak sa kaboboso!

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

Hindi na makakalimutan ng former sexy star ang nakakahiyang experience nang mahulog sa bubong habang namboboso.

Nakarinig ng napakalakas na lagapak at tili ng isang babae ang staff habang kinukunan ang love scene ng hubo't hubad na actor at starlet sa loob ng isang bahay sa Rizal province.

Pinuntahan agad ng staff, sa tulong ng mga barangay tanod, ang kinabagsakan ng hindi pa nakikilalang nilalang.

Laking gulat ng mga ito nang malaman nilang si former sexy star ang nahulog dahil sa pamboboso.

Nagtawanan ang mga ito at agad na bumalik sa set para sabihin sa director na kaunting digrasya lang ang nangyari.

Kuwento pa ng source, habang nasa bubong daw ang former sexy star na namboso'y nagsiakyat din ang ilang kalalakihan sa puno.

Para hindi raw mag-ingay ang mga ito, "pinagbigyan" na lang sila ng sexy star sa pamamagitan ng pagluhod nang walang belo.

Ang siste, nawalan naman siya ng balance, kaya tuluyang nahulog sa bubong.

Buti na lang daw, gasgas at kaunting pasa lang ang inabot ng sexy star, kaya hindi na kinailangan pang dalhin ito sa ospital.

Ang nasabing former sexy star ay magaling sumayaw at minsan ding pinagpantasyahan ng mga kalalakihan.

Dancer ang papel niya sa kinukunang pelikula noon kaya siya nasa set.

* * *

MagkaibiganG matalik sina Michelle Munerec at Gemma Fitzgerald, dalawa sa anim na members ng Koolchx at parehong produkto ng Pinoy Dream Academy.

Singing at dancing ang forte ng bagong sexy group na binuo ng Star Magic, kaya 'di maiiwasang ikumpara sila sa iba pang all-female groups, tulad ng Kitty Girls, Sex Bomb, Baywalk Bodies, atbp.

"No, comparison, please," ani Gemma. "I think hindi man kami sikat na sikat, kilala na rin naman ang grupo namin. "

How about Baywalk Bodies?

"Ay! Huwag naman kaming ikumpara sa Baywalk. Iba ang Koolchx sa kanila. Kahit bago pa lang ang grupo namin, may mararating kami. Sana huwag na lang kaming pagkumparahin dahil hindi kami magkaka-level," say naman ni Cassandra Ponti, na kasama rin sa Koolchx.

May reaction ba rito ang mga alaga ni Lito de Guzman?

* * *

Hanggang ngayon, naghahanap pa rin ang EP ng Bubble Gang ng artistang ipapalit kay Ara Mina, na nasa ABS-CBN na ngayon.

Anang BG, hindi madaling humanap ng kapalit ni Ara dahil dapat ay mag-gel ito sa iba pang mainstays gaya nina Michael V. , Ogie Alcasid, atbp.

Wala rin daw silang makitang problema sa pagbabalik ni Mark Herras sa BG dahil magiging busy naman si Dennis Trillo sa ibang projects.

As we all know, si Dennis ang pansamantalang humalili kay Mark sa top-rating gag show ng Siyete.

Last appearance na ni Dennis sa BG bukas ng gabi.

Source: People's Tonight