Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

David Archuleta, nanginig kay Charice Pempengco! Dingdong, pinag-awayan nina EB Babes Saida at Angel?

David Archuleta, nanginig kay Charice Pempengco! Dingdong, pinag-awayan nina EB Babes Saida at Angel?

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

SINA Ai Ai delas Alas, Billy Crawford, Rachelle Ann Go, Bugoy, Aljur Abrenica, Kris Bernal at ang EB Babes ang mga perfor­mer sa free musical va­riety show na alay ni Ma­yor Toby Tiangco sa kanyang mga kababayan sa Navotas City noong Huwebes ng gabi.

Naging ugali na ni Mayor Toby na mag-imbita ng mga artista sa tuwing ipinagdiriwang ang foundation day ng Navotas City.

Punumpuno ng tao ang Centennial Park kaya nahirapan ang mga artista na makapunta sa backstage.

Tuwang-tuwa ang mga residente ng Navotas City dahil nakita nila ang mga paboritong artista.
***

May pakiusap sa fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang EB Babes members na sina Angel Coronel at Saida Diola.

Nakikusap sina Angel at Saida sa fans na huwag magalit sa kanila dahil nali-link sila kay Dingdong.

Nagpakita ng pagtataka ang dalawa sa mga balita na nag-uugnay sa kanila kay Dingdong. Hindi raw nila alam ang pinagmulan ng balita.

Ikinuwento ni Saida na nagkita sila ni Dingdong sa Boracay Island noong huling linggo ng December 2008, pero iba ang kanyang mga kasama.

Sinabi naman ni Angel na kilala niya si Dingdong dahil sikat ito, pero hindi sila personal na magkakilala.

Kapwa pinabulaa­nan nina Saida at Angel na nag-aaway sila dahil sa aktor.

Magkayakap at hawak-kamay ang dalawa habang nagpapainterbyu para ipakita sa mga kausap na reporter na magkasundung-magkasundo sila.

Mapapanood bukas sa Showbiz Central ang kumpletong detalye ng interbyu sa mga controversial member ng EB Babes.
***

Parehong kasali sina Charice Pempengco at David Archuleta noong November 2008 sa Thanksgiving Day Parade ng Macy's (New York), pero hindi yata sila nagkaroon ng pagka­kataon na makapagkuwentuhan.

Pinagbasehan namin ang journal entry ni David sa kanyang multiply account noong January 6, 2009 na ipinadala ng aming kaibigan na si Ash Ketchum.

Nagpahayag si David ng matinding pagha­nga sa young Filipina si­nger nang mapanood niya ang replay ng gues­ting ni Charice sa sikat na programa ni Oprah Winfrey.

“Before I go, I wan­ted to mention one thing real quick. I was ha­nging out at my house when my parents called me in to watch a story on Oprah about this girl named Charice. I had seen her on Youtube before and she was at the Macy's Thanksgiving Parade, but it was ama­zing to hear her story and her voice!

“She seriously has one of the best voices I've heard in a long time, and I had chills the entire time I was wat­ching about her life. So, instead of a song for the day I think you should check her out! It's more like a person for the day. Ha! Ha!

“She was really ins­piring and for those of you who haven't heard her yet, I think you're in for a real treat! She sang My Heart Will Go On during her appearance on Oprah, and it's ama­zing to see how much passion she has for what she does! I also loved how she talked about how important her mom was to her. I hope you guys enjoy.”
***

Nakausap namin sa telepono noong Huwebes ang Filipino stage actor na si Jonjon Briones, ang bida sa hilarious TV commercial ng Skittles.

Nalaman namin mula kay Jonjon na dati siyang member ng MET Chorus at kasama siya sa original cast ng Miss Saigon na unang itinanghal sa London noong 1989.

US-based na si Jonjon na apat na beses na nag-audition para sa Skittles TV ad. Natagalan ang airing ng commercial dahil ginamitan ito ng special effects. Ipinalalabas sa mga TV station sa buong Amerika ang Skittles ad, pero mapapanood din ito sa Youtube.
***


Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

Source: Abante