|
|
| Dawn at Gretchen nag-deadmahan!![]() Author: Rey Pumaloy MAGPAPAKITA ng puwet si Polo Ravales sa pelikulang pagsasamahan nila nina Diana Zubiri at Francine Prieto. Pumayag na si Polo na mag-expose ng butt, dahil sinigurado ni direk Joel Lamangan na aalagaan siya nang husto. Nilinaw ni Polo na hindi siya nagrirebelde dahil sa nasirang relasyon nila ni Ara Mina. Iginiit niya na career move ito. Inspired sa Beautiful Mind ang kuwento ng pelikula nina Polo, Diana at Francine. Siyanga pala, namula si Polo sa sinabi ni Ara na hindi na siya magugulat kapag nakita niya ang puwet ng una. Parang sinasabi nga ni Ara na nakita na niya ang puwet ni Polo noon pa. Ngayong Marso magsisimula ang shooting ng movie nila. Samantala, mas maayos ngayon ang relasyon nina Ara at Polo matapos silang mag-cool off. Friends daw sila ngayon at walang pressure sa kanilang samahan. *** Hayagang sinasabi ni Rufa Mae Quinto na nayayamot siya sa muling pagsulpot ni Rudy Hattfield sa buhay niya. Iniuugnay ang dating basketbolista kay Ara Mina ngayon. Nasusulat na madalas mag-date ang dalawa. Katunayan, nanood pa raw si Rudy ng concert ni Ara sa Araneta Coliseum. Sabi ni Rufa Mae, sana ay huwag nang umeksena si Rudy dahil masaya na siya sa piling ni Erik Santos. Alam ni Rufa na nasasaktan ang boyfriend niyang si Erik kapag nagsasalita siya tungkol kay Rudy. Anyway, sinabi na ni Ara na kahit ano pa ang mangyari ay hindi masisira ang friendship nila nang dahil lang kay Rudy. Araw-araw silang nag-uusap ni Ara at hindi na masisira pa �yon. Siyanga pala, sweet na sweet sina Rufa Mae at Erik sa anniversary ng YES magazine. *** Congratulations sa YES magazine sa kanilang ika-pitong anibersaryo. Aba, bongga ang party nila dahil dumating ang mga sikat na artista tulad nina Sharon Cuneta, kasama si Sen. Kiko Pangilinan, Lorna Tolentino, Gretchen Barretto, Pops Fernandez, Ruffa Gutierrez, Dawn Zulueta, Diether Ocampo, Kristine Hermosa, Jericho Rosales, Heart Evangelista, Ara Mina, Polo Ravales, Mylene Dizon, Paolo Paraiso, Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Joyce Jimenez, Ai Ai delas Alas, Rustom Padilla, Aubrey Miles, Bernard Palanca, Princess Punzalan, Eula Valdez at marami pang iba. Talbog ang mga awards night sa dami ng mga artistang dumalo sa anniversary na ito. Pero, �yun nga lang, hindi pa rin nagbatian sina Gretchen at Dawn sa party. Nag-deadmahan nga ang dalawa na parang hindi magkakilala, ha! Samantala, hindi naman dumating si Claudine Barretto na imbitado rin sa party na �yon. Sa kuwento ni Ms. Jo-Ann Maglipon, nagpasabi si Claudine na hindi siya makakarating. Marami ang nanghihinayang dahil �yun sana ang unang pagkakataon na magkikita sila ni Gretchen. Ang balita ko, okey lang kay Gretchen na magkaharap na sila ni Claudine. Pero, �yun nga, parang lumalabas na hindi pa handa si Claudine na makipagbati sa Ate Gretchen niya! Source: Abante |