|
|
| Dean Cain, love na love ang 'Pinas![]() Author: Alfie Lorenzo SI Dyan Castillejo ang nag-cover ng Miss Universe 2009 na ginanap sa Bahamas. At suwerte si Dyan, dahil nakatsikahan niya ang negosyanteng si Donald Trump at ang dating Lois and Clark star na si Dean Cain, at siyempre, pati na si 2008 Miss Universe Dayana Mendoza. Kinuwento raw nina Trump at Cain ang kanilang pagkagiliw sa Pilipinas. Samantalang si Dayana naman ay dinetalye raw kay Dyan ang kanyang karanasan bilang Miss Universe. Nakatsikahan din ni Dyan si Miss Philippines Bianca Manalo, na kahit natalo ay maganda naman daw ang naging karanasan sa Bahamas. Well, ipakikita ni Dyan lahat 'yan sa show niyang Sports Unlimited ngayong gabi sa ABS-CBN. Pati na ang mga sinubukan niyang libangan ngayon sa Bahamas. Ngayong umaga naman ang selebrasyon ng Ka-Blog, kaya isang ober-super-duper-mega-celebration ang gagawin nila. Isang taon na ngang magkakasama ang mga bagets na sina Mico Aytona, Lucky Mercado, Andrea Torres at Monica Verallo sa paghahatid ng iba't ibang klaseng gimik. At sa mga susunod na araw, mas mga astig at maangas na gimik ang ibibida nila, tulad ng mga coolest hang-outs, online games at latest hobbies na “in” sa teens ngayon! Sa pagpasok ng Ka-Blog sa 2nd year, level-up na rin ang mga kuwentong Ka-Blog na lalong sakto sa needs ng mga teens ngayon! At para kumpleto ang birthday celebration nila, isang libreng concert ang ibibigay nila ngayong gabi sa Eastwood Central Plaza, kasama ang mga sikat na banda gaya ng Callalily, Chicosci, Kjwan, Pedicab, Urbandub, The Ambassadors, The Camerawalls, Hansom at NyctyNasty, sa tulong ng Creamsilk at Eastwood City. Sigurado namang matatakam kayo sa pagbabalik ni Chef Dad Niño Logarta sa 2nd season ng DADDYLICIOUS ngayong umaga sa Q Channel 11! Sa unang dalawang episodes nila, bibisitahin nina Chef Niño, kasama sina Miggy at Yumi ang canteen ng Diliman Preparatory School. Magluluto sila ng mga bago at healthy snacks para sa mga grade school students tulad ng Cheese Taco Popcorn, Broccoli and Bacon Stuffed Baked Potatoes, at Mini Bacon and Chicken Cheese Burgers. Source: Abante |