Aug 30
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpYahoo! Groups

'Dear Heart,' sagrado kay Sharon

Hinintay naming matapos ang presscon ng Caregiver ni Sharon Cuneta sa Studio 1 ng ABS-CBN para tanungin si Megastar kung totoong inalok ang anak niyang si KC Concepcion ng GMA-7 para sa Darna. Inalam na rin namin ang reaction niya sa balitang ire-rema...

 

'Dear Heart,' sagrado kay Sharon

Column: Hot Shots
Author: Gerry Ocampo

Hinintay naming matapos ang presscon ng Caregiver ni Sharon Cuneta sa Studio 1 ng ABS-CBN para tanungin si Megastar kung totoong inalok ang anak niyang si KC Concepcion ng GMA-7 para sa Darna.

Inalam na rin namin ang reaction niya sa balitang ire-remake ng Viva Films ang Dear Heart, kung saan ang magiging bida ay ang anak ni Robin Padilla na si Queenie.

Say ni Sharon, "Ang alam ko, she (KC Concepcion) was being offered to do Darna. Hindi ko lang alam kung okey na. Ang alam kong sigurado na ay 'yung movie na pagtatambalan nila ni Richard Gutierrez. "

"Maniwala ba kayo na ako dapat ang Darna? Kaya ako nag-guest noon sa movie ni Edu Manzano sa Captain Barbell ay para i-intro ako. Kaso, hindi ko kaya 'yung sakit. Hindi ko kaya 'yung mga bakal na ikakabit sa akin unlike now, hi-tech na ang mga ginagamit na harness. Maninipis na parang lubid, pero kayang bumuhat ng sasakyan," esplika ni Mega.

Tungkol naman sa pagre-remake ng Dear Heart, aniya: "Really?! I didn't know that. Nobody from Viva has informed me. Viva would break my heart talaga if they'll do that. Kung mayroon mang dapat mag-remake noon, it would be my daughter, si KC. Pero hindi na puwede, kasi she's 23 now, eh, I was only 15 when I did Dear Heart.

"I have nothing against Queenie. My God, she's a very nice and beautiful girl at alam naman n'yong naging special friends kami ni Robin. But sad to say, you know how sacred and very personal Dear Heart is sa akin. "

Samantala, sinabi rin ni Sharon na ang Caregiver ang masasabi niyang very memorable movie na nagawa niya sa loob ng 30 years niya sa showbiz.

Proud na proud daw siya sa pelikula.

May katuwiran naman si Sharon dahil base sa trailer na napanood namin sa presscon, napakaganda at nakaiiyak talaga ang mga eksena.

Trailer pa lang, hahanga ka na sa ipinakitang galing ng mga artista.

Nagpa-audition pa pala sila para sa foreigners na makakasama nila sa proyekto at tutulong sa paghubog ng karakter ni Sharon bilang caregiver.

* * *

Dumayo pa sa Pranjetto Hills, Tanay, Rizal, ang Nuts Entertainment barkada para sa Bounty Hunter adventure nina Alfred Vargas at Jana Roxas, Pekto at Alyssa Alano, Sex Bomb Sunshine at John Feir, at Paolo Paraiso at JC Parker.

Si Rochelle Pangilinan naman ang napagtripan nina Joey de Leon, Anjo Yllana at Janno Gibbs sa hot seat ng Balakubak portion.

Ilan sa mga isyung sinagot ni Rochelle ay ang tsikang iiwan na niya ang dance group dahil buntis at magpapakasal sa non-showbiz BF.

Abangan ang lahat ng 'yan ngayong Sabado ng gabi sa GMA-7.

* * *

Isang magarbong fiesta ang magaganap sa SOP ngayong Linggo kasama si Marian Rivera.

Ipagdiriwang naman nina Jennylyn Mercado, Gerald Santos at Julie Ann ng Sugarpop ang kanilang kaarawan sa show.

Source: People's Tonight