Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ded Na Si Lolo panlaban ng bansa sa 82nd Academy Awards

Author: Mell T. Navarro
Column: Mouthful

BONGGACIOUS ang blockbuster indie film na Ded Na Si Lolo, written and directed by Direk Soxie Topacio (ipinalabas last May) dahil tinalbugan nito ang mahigit sampung Pinoy films para maging representative ng Pilipinas sa 82nd Academy Awards o Oscars sa Amerika next year.

Makikipagtunggali sa best foreign language film category ang dramedy na ito na kay-huhusay ng cast hea-ded by Roderick Paulate, Elizabeth Oropesa, Gina Alajar, Manilyn Reynes, at ang child actor na si BJ For-bes na sa kuwento'y inoobserbahan nito ang iba't ibang pamahiin ng Pinoy sa kama-tayan ng kanyang lolo.

Ang mga 'tinalo' ng Ded Na Si Lolo sa short-list Film Academy of the Philippines (na siyang namimili ng ipinapadala ng bansa sa Oscars) ay ang mga sumusu-nod: Baler ni Mark Meiley (Anne Curtis, Jericho Ro-sales), Jay ni Francis Pasion (Baron Geisler), Kamoteng Kahoy ni Maryo Delos Re-yes (Gloria Romero), Pitik Bulag ni Gil Portes (Marco Alcaraz, Paloma), The Last Viewing ni Ronaldo Bertubin (Janice de Belen). Dina-ig din nito ang Bente ni Mel Chionglo (Jinggoy Estrada, Richard Gomez), 100 ni Chris Martinez (Mylene Di-zon), Manila nina Raya Martin and Adolfo Alix, Jr. (Piolo Pascual), Concerto ni Paul Alexander Morales (Jay Aquitania, Meryll Soriano), Adela ni Adolfo Alix, Jr. (Anita Linda), at ang Lola ni Brillante Mendoza (Anita Linda, Rustica Carpio) na siya namang entry ng bansa sa 66th Venice Film Festival.

Ang FAP Oscar committee na pumili ay sina Ro-bert Arevalo, National Ar-tist for Film Eddie Romero, Johnny Delgado, Directors Jose Carreon, William Ma-yo, and Elwood Perez, production designer Manny Morfe, and editor Jess Navarro.

Ang Ded Na Si Lolo ay mula sa APT Entertainment at DGPI at pinaka-hit sa Si-ne Direk indie film series at nakakuha ng grade na 'A' mula sa Cinema Evaluation Board.

* * *

NAGPAKITANG-GI-LAS sa acting at lakas ng screen presence sina Jo-shua Dionisio at Barbie For-teza bilang mga bagets na Dingdong Dantes and Rhian Ramos, respectively, sa first three nights ng Stairway To Heaven ng GMA7.

Hindi naman magka-loveteam ang dalawang ba-gets, at first time nilang magsama sa isang project, pero nakakaloka ang tilian ng mga kabataang fans sa mga eksena ng dalawa, sa cinema pre-miere pa lang ng nasabing new Kapuso teleserye sa SM Megamall. Nag-expire na ang contract ni Joshua sa Star Ma-gic ng ABS-CBN kaya free-lancer na siya ngayon. Lingid sa kaalaman ng marami, tinalo lang naman ni Joshua ang ilang mga beteranong actor nang mag-win siya sa Best Single Performance by an Actor sa PMPC Star Awards for Television last year (2008) para sa maigting niyang pagganap sa Sako episode ng Maalaala Mo Kaya with Jay Manalo. Kinabog ng bagets na si Jo-shua sina Eddie Garcia, Dol-phy, Gary Valenciano, John Wayne Sace, at Gabby Concepcion.

Ang nakapagtataka lang, kung bakit sa husay ni Joshua, eh, hindi siya nabigyan ng regular teleserye o show sa Dos noon. Si Barbie naman ay nakapag-audition na raw sa ilang shows, pero dito nga siya sa Stairway to Heaven nabigyan ng biggest break. Fresh ang mukha ni Barbie on screen at ang daling umiyak. Sa-na lang, after Stairway to Heaven ay maalagaan ng Siyete sina Joshua and Barbie by giving them good shows, para hindi ma-sayang ang kanilang talent.

* * *

SPEAKING of Dingdong Dantes, maliban sa patuloy na pagtaas ng rating ng Stairway to Heaven, tuwang-tuwa ang mga fans ng aktor na nagi-email sa amin, na anila'y worth buying daw ang Yes! Life Stories na bookazine (book-magazine) na ang kanilang idolo ang first featured celebrity.

Say ng editor-in-chief ni-to na si Ms. Jo-Ann Maglipon (ng Summit Publishing, na nag-publish ng said bookazine), inayawan pala ni Dingdong ang idea na i-photo shop ang kanyang pictures dito.

"Ang gusto talaga ni Dingdong is a very honest bookazine. It's about him and his dreams and his life. Talagang he refused photoshopping especially in the 'reality' portion. Kaya hindi namin pinaliit ang tiyan (ni Dingdong), hindi namin tinanggal ang love handles. Wala siyang pakialam sa ganoon. Kung may dumi sa katawan niya, gaya du'n sa litrato sa rancho kasama ang kabayo, ayaw niyang ipagalaw, and we appreciated that," paliwanag ni Maglipon.

Source: Taliba