|
|
| Dennis Trillo, Pauleen Luna may relasyon na![]() Author: John Fontanilla MUKHANG totohanan na ang paghihiwalay ng landas ng FHM no. 1 sexiest women in the world na si Cristine Reyes at ng Adik Sa`Yo lead actor Dennis Trillo, na kung ilang buwan ding itinago ang kanilang relasyon para sa kani-kanilang career. Ayon sa aming reliable source, malabo nang magkabalikan ang dalawa dahil pareho na silang nagdesisyon na pakawalan na ang isa`t isa. Kaya naman total zero na ang lovelife ni Cristine sa ngayon, habang may ibang babaing nali-link naman kay Dennis na sinasabing pinakamalapit sa puso ng binatang ama. At ang itinuturong dahilan sa totohanang hiwalayang Cristine at Dennis ay ang co-star nito sa Adik Sa'Yo na si Pauleen Luna. Tsika ng aming tsismosang source, sobrang sweet daw ang dalawa sa set ng soap na ito ng Kapuso network during and after take ng kanilang eksena. * * * MABILIS ang facing ng career ng GMAAC singers na grupong La Di-va na binubuo nina Maricris Garcia, Aicelle Santos at Jonalyn Viray. Nagsimulang mabuo ang La Diva noong May 4, 2008 nang kantahin nila ang theme song ng SIS at mapansin ng staff ng SOP ang potential nilang su-mikat bilang grupo. Kaya naman binigyan ang mga ito ng sariling segment sa numero unong Sunday variety show sa Pili-pinas, ang SOP, kung sa-an nag-click ang grupo hanggang ipakanta na sa kanila ang theme song ng ilang hit soaps sa GMA7 like Gaano Kadalas ang Minsan, Ang babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, at ang latest ay sa Rosalinda. Ngayon ay may solo album na ang La Diva under GMA Records at Sony/BMG. Naglalaman ang album ng 14 songs combination of original at revival songs na mostly ng kanta ay sila mismo ang pumili along with Danny Tan na si- yang may idea at mentor ng tatlo. At kahit may kanya-kanya nang solo album sina Maricris, Aicelle at Jonalyn, payag silang gumawa ng album na magkakasama. * * * BINIGYAN ng actress na si Liz Alindogan ng victory party ang Festival De Cannes best director na si Dante Brillantes para sa pagwawagi nito sa na-sabing film festival para sa pelikulang Kinatay na pinagbibidahan nina Ma-ria Isabel Lopez at Coco Martin. * * * PUNUMPUNO ng action at adventure ang movie experience ngayong linggo sa TV5 dahil nasa 5MAX Movies ang Hollywood hits na Final Fantasy: The Spirits Within; The Mexican nina Brad Pitt at Julia Ro-berts; Pitch Black ni Vin Diesel, at Charlie's Angels: Full Throttle nina Cameron Diaz, Drew Barrymore at Lucy Liu. Source: Taliba |