Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dennis Trillo celebrates 28th birthday on 'SiS'

Author: GMANews.TV
Column: Entertainment

Isa sa celebrated leading men ng Kapuso network marked his birthday during a taping of "SiS" noong Wednesday (May 13) with a special dedicated para lamang sa kanya. At si Dennis mismo ay thrilled sa show of support at well wishes ng kanyang mga kaibigan sa industriya at, siyempre, ng kanyang mga fans.

May 12 ang actual date ng kapanganakan ng leading man ng upcoming GMA Telebabad show, "Adik Sa'Yo," and the new horror flick, "Tarot," where he stars opposite Marian Rivera. At si Dennis Trillo was none so pleased, when some of his closest showbiz friends gave their greetings and presents as he marked his 28th birthday.

Pagkatapos ng taping ng "SiS," aming tinanong si Dennis kung ano ang kanyang wish sa kanyang kaarawan.

"Ako? Isa lang naman hinihiling ko eh, [na] sana magtuluy-tuloy 'tong magandang nangyayari sa career ko," ang sagot niya. "Mas okay kung mas magiging mas maganda pa, 'di ba? And sana lang magpatuloy 'yung mga blessings at 'wag magsawa 'yung mga taong naniniwala at tumatangkilik sa mga ginagawa ko."

And as proven sa following messages na binigay ng mga sumusunod na friends ni Dennis, it seems na ang kanyang kahilingan ay matutupad, and then some:

Aljur Abrenica: Birthday message ko sa kanya? Sana hindi siya magbago, sana marami siyang matulungan na mga baguhan na darating pa lang. Si Dencio, siya ang role model, isa siya sa mga role model ko dito sa GMA-7. Napakabait na tao, wala akong masabi. Napakagaling makisama. Ang birthday message ko sa kanya, more success in life at saka more projects to come. Sana magkatrabaho kami ulit. Sarap ka-trabaho ni Dencio eh. Sa love life, hindi naman siya mawawalan eh. Kilala naman natin si Dencio eh, pero sana makita niya 'yung right girl para sa kanya.

Gerald Santos: Kuya Dennis, happy birthday, [at] syempre more projects to come. Continue to be humble, talagang [ipagpatuloy] 'yung professionalism [mo]-kasi 'yan si Kuya Dennis, sobrang professional niyan. Talagang kita mo 'yung determinasyon niya sa career niya. Sana maging masaya siya and hope soon na magkaron siya ng love life para siya syempre maging happy pa.

Glaiza de Castro: Sana mas maging prolific pa 'tong year para sa 'yo and continue to be an inspiration to others at saka, astig ka! Rock 'n roll! At saka I miss you! I love you! I miss our bonding!

Isabel Oli: Si Dennis? Lahat nasa kanya na, 'di ba? So I just wish him good health, more success sa career niya. Dapat gano'n. Happy birthday! More birthdays to come and I hope to work with you again!

Tess Bomb: Hi, Papa Dennis! Wishing you all the best of everything! Happy, happy birthday! Mwah, mwah, mwah!

Gian Magdangal: Okay, Dennis, my man! Happy birthday and may you have more success in your career. And maybe, you can continue to be a good father to your child and be a good example in the industry as one of the successful guys who still remain humble and keep his feet on the ground. There you go, God bless!

Mart Escudero: Unang-una, happy birthday kay Dennis. Panibagong taon na naman, bagong edad. Alam naman natin na kahit tumatanda si Dennis, yung pagka-macho niya at saka 'yung pagka-magandang lalaki, hindi nawawala 'yan eh. Pagpatuloy niya lang 'yung kabaitan niya, at sigurado ako, matagal na matagal pa siya-ang itatagal niya dito sa showbiz. Pagpatuloy niya lang 'yon.

Alamin naman natin kung ano ang prediction ni Madame Suzette, ang Fanatxt celebrity astrologer, kay Dennis:

"Mas compatible sila [ni Marian Rivera]. Compatible ang Rooster and Rat, very compatible, so I think magki-click 'yan. Mas maganda 'yung compatibility nila as halimbawa sa [upcoming movie nila]. Pero as a love team, alam na ang love team eh di ba si Dingdong [Dantes]? So pero sa kanila magki-click ang kanilang tambalan din." - Erick Mataverde, iGMA.TV

Source: GMANews