|
|
| Dennis Trillo gets to work with Sharon Cuneta and Heart Evangelista in Mano Po 6![]() Author: Rose Garcia Halatang-halata kay Dennis Trillo ang excitement dahil sa pagkakasama niya sa pelikulang Mano Po 6, official entry ng Regal Films sa 2009 Metro Manila Film Festival. Sa pelikulang ito, dalawang bagay ang na-accomplish ni Dennis. Una ay ang pagkakataong makatrabaho ang Megastar na si Sharon Cuneta. Pangalawa, natuloy na rin ang team-up nila ni Heart Evangelista. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasama si Dennis sa isang Mano Po movie. Kasama siya sa cast ng Mano Po 3: My Love (2004), na pinagbidahan nina Vilma Santos at Christopher de Loen. Pero aniya, maikli lang daw ang role niya noon. "Ngayon, medyo support na talaga, support siya," sabi ni Dennis. "Pero siyempre, more on movie ito ni Megastar. Kami, support lang sa kanya. Ibang klase ang role ko rito, ngayon ko lang din nagawa. Bukod pa sa kasama ko si Megastar, si Heart, si Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Ciara Sotto, at marami pang iba. And then, directed by Joel Lamangan." Natsa-challenge pa rin ba siya kahit supporting role lang ang ginagampanan niya rito sa Mano Po 6? "Every project naman," sagot ng award-winning actor. "Kailangang i-mindset mo na panibagong challenge para meron kang panibagong maipakita rin, at hamunin mo ang sarili mong mai-improve pa siya at may bago kang i-offer." Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis last Sunday, October 18, sa SOP. WORKING WITH THE MEGASTAR. Ayon kay Dennis, first time lang daw talaga niyang nakatrabaho ang Megastar. Kahit anong show or guesting ay wala raw silang pinagsamahan pa. "Nakakapag-shooting na kami, at kahapon, kausap ko si Ms. Sharon Cuneta. Kinuhanan agad yung confrontation scene namin. At saka, sobrang starstruck talaga ako kapag nakikita ko siya. Kahit sino naman siguro," kuwento ni Dennis. Kumusta ang first meeting nila? "Masaya, nagpa-picture ako," nakangiting pag-amin ni Dennis. "Actually, isang eksena lang ang kinuhanan namin. Mas marami yung mga eksena namin ni Heart. Tapos, yun, excited ako kasi maganda ang mga shots ni Direk [Joel Lamangan]. At saka iba ang look ng pelikula, e, sobrang glossy. Parang ibinalik yung prestige ng moviemaking sa quality ng ginagawa namin." Nang magkita sila ni Sharon, ano ang naging komento nito sa kanya? "Noong pinuntahan ko siya, pumasok ako sa kuwarto niya. May gift kasi ako sa kanya. Ibinigay ko, and then natuwa siya. Tapos sabi niya, 'Ang guwapo mo pala talaga,'" tila nahihiya pang kuwento ni Dennis. Dagdag niya, "Pero yun nga, bumati lang ako, tapos lumabas din ako kasi nga may sarili siyang kuwarto." Isang basket of fruits daw ang ibinigay niya kay Sharon sa first shooting day nilang kasama ito. "Parang gesture or appreciation lang naman yun dahil, siyempre, honored ako na makatrabaho siya and, finally, masasabi ko na, 'Wow, nakatrabaho ko ang Megastar!'" Heart Evangelista. Kinumusta rin ng PEP kay Dennis si Heart na finally ay natuloy na rin ang pagtatambal nilang muli after their Dear Friend episode. Dapat sana ay gagawin nila ang Sine Novela na Muling Buksan ang Puso, pero hindi ito natuloy. Kung hindi natuloy sa TV, natuloy rin sila sa wakas sa pelikula. "Palagi kaming magkasama kasi palagi kaming magkaeksena sa Mano Po," sabi ni Dennis. "Magaling siyang artista, e. Doon pa lang sa Dear Friend, nakita ko na at kahit sa mga dati pa niyang nagawang pelikula. "At saka dedicated talaga siya sa trabaho niya. Sobrang aga niyang dumarating sa set. Tapos mga eksena niya kasi mabibigat, nagmo-motivate talaga siya, nakikinig siya ng music, at talagang may time siya na nagko-concentrate sa isang eksena talaga." Source: Philippine Entertainment Portal |