Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dennis Trillo ipa-partner sa Italian actress

Author: Pilipino Star Ngayon
Column: About Showbiz

Ipina-interview ng GMA Films si Dennis Trillo  bago ito lumipad for Italy sa shooting ng I. T. A. L. Y.  Excited ang actor sa project at napi-pressure rin at the same time, dahil si Gabby Con­cepcion ang kan­yang pinalitan na icon daw noong 80's.

Nilinaw naman ni Annette Gozon-Abro­gar  na originally, kasa­ma talaga sa movie si Dennis at kaya lang naalis dahil may sponsor na bawal. Para hindi magka-problema, hindi na lang sila kumuha ng sponsor na involved sa telecommunications.

Isa pa sa nagpapa-excite kay Dennis ay first time niya sa Italy at first time niya ring sasakay sa cruise ship. Kaya, kahit alam niyang mauungkat ang nakaraan nila ni Rufa Mae Quinto, hindi na niya ito pinoproblema.

"Tutuntong kami sa ship para magtrabaho at kung anuman ang nangyari sa amin dati, tapos na yun, matagal na at 'di na babalik sa dati. Pareho na ring tahimik ang buhay namin. Nandito ako para ibigay ang lahat na makakaya ko't ayaw kong mapahiya sa boss ko at ayokong i-down ang malaking project na ito," pahayag ni Dennis.

Talagang masuwerte si Dennis, dahil bukod kina Rufa Mae at Jolina, may Italian actress din siyang makakapareha rito at gaganap na ina nang nawawala niyang anak. Hindi pa lang namin nakuha ang name ng actress, pero excited na ang actor na makilala siya.

* * *

Natuloy nang pumirma ng exclusive contract sa GMA Films si Dingdong Dantes,  at una sa three-picture-three-years contract niya, ang Amnesia (tentative title) na gagawin niya kasama sina Marian Rivera at Iza Calzado  to be directed by Mac Alejandre.

Kapag naayos na ang schedule ng tatlo, sisimulan agad ang shooting ng movie nila at sa August na ang playdate. Natutuwa si Dingdong na mapagbibigyan na nila ni Marian ang request ng kanilang fans na mapanood din sila sa pelikula.

May two love scenes sa movie si Dingdong, tig-isa kina Marian at Iza at dahil wala pang script, hindi pa nito alam kung kaninong love scene ang mas passionate. Pero, rom-com o romance comedy ang genre ng movie at gusto ng GMA Films na mapanood ito kahit ng mga bata, so, 'wag kayong mag-expect ng mala-rated X na love scene, no! 'Wag kayong pasaway!

Samantala, in character na rin si Dingdong sa role niyang Fredo sa Dyesebel. Nagpagupit ito at paiiksihin pa ang buhok bago siya pumunta ng Pala­wan. Pinag-aaralan na rin niya ang gagam­panang character na mas asshole kesa kay Sergio Santi­bañez sa MariMar.

May reaction pala si Dingdong sa paglitaw ng diumano'y boyfriend ni Marian na si Eric Vijandre. Sabi ni Dingdong: "I believe Marian deserves to enjoy regardless kung sino ang kasama. No comment ako dun sa sinasabing kamukha ko ang bf niya, hindi ko pa siya nakikita at 'di namin napag-uusapan ang boyfriend niya. "

* * *

Nag-email sa amin ang isang die-hard suppor­ter ng showbiz couple para itanong kung ang favorite loveteam ba niya ang laman ng blind item namin noong March 24 at March 26. Para matuwa ito at ang kanyang kasamahan, sila nga ang laman ng BI namin noong Mar. 24, pero hindi ang Mar. 26. Ibang pareha ang tinukoy naming magka­sa­mang nagbakasyon.

Hindi namin mabanggit ang pangalan ng favorite loveteam ng reader, dahil malalamang sila ang BI namin, eh, inililihim ngang tuloy ang kanilang pagkikita.

Source: The Philippine Star