Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Dennis Trillo, pinagpawisan ng malagkit kay Gladys Guevarra!

PANSAMANTALANG iniwan ni Mother Lily ang lahat ng trabaho niya last week upang lumipad papuntang Boston para dumalo sa graduation ng unang apo niyang si Keith Ryan M. Teo.Nakatanggap nga kami ng text kay Mother at ibinahagi niya ang kasiyahang nadama n...

 

Dennis Trillo, pinagpawisan ng malagkit kay Gladys Guevarra!

Gary Valenciano

Column: Talaga? Sige Na Nga...
Author: Jun Nardo

PANSAMANTALANG iniwan ni Mother Lily ang lahat ng trabaho niya last week upang lumipad papuntang Boston para dumalo sa graduation ng unang apo niyang si Keith Ryan M. Teo.

Nakatanggap nga kami ng text kay Mother at ibinahagi niya ang kasiyahang nadama niya habang pinanonood na nagmamartsa patugong stage ang apo.

"Hi Jun Nardo. I am now in Boston University attending my first grandsons graduation, Keith Ryan M. Teo graduating cum laude in a Bachelors Degree in Arts and Sciences major in International Relations minor in Economics pursuing Law in California and in two years, he will serve you as international lawyer.

"I am very proud of him. My tears fell when they were marching to the stage. These are blessings coming from God! Life is beautiful and have so much blessings from Him. Thank you Jun N for your support. May God bless you. He is the son of Roselle."

Siyempre, touched kami sa text ni Mother, huh! Kasi naman, prior to her text, last Friday ay personal din niya kaming tinawagan para ilabas ang write up ng Regal movie na Manay Po sa Mothers Day mismo. Pati yung ibang writers ay sabihan ko rin daw ng request niya, huh!

Kasi nga naman, nataon kasi sa graduation ng apo niya ang Mothers Day, kaya wala siya sa bansa. At least, magandang regalo nga naman yung ibinigay sa kanya ng apo niya kahit sabihing grandmother na siya, huh!

Anyway, babalik na anytime this week si Mother Lily at pipilitin namin siyang hingan ng picture ng favorite apo niyang si Keith Ryan.

Naku, sa pagbabalik ni Mother, iikot na naman ang tumbong niya kaugnay ng promotions ng Manay Po!

***

Ibinalita naman ni Angeli Valenciano na hindi muna matutuloy ang Fathers Day movie sana ni Gary Valenciano kasama ang anak na si Paolo na ididirek ni Erik Matti.

Busy rin daw kasi si Erik sa Rounin at si Gary naman ay sa promo ng bago niyang album titled Relevance na ini-launch last Sunday sa ASAP.

Inaayos kasing mabuti ang script at ayaw naman daw pasimulan nina Dondon Monteverde at Gary ang pelikula hanggat hindi ito malinis na malinis.

Si Paolo naman ay busy rin sa mundo niya at nakatakda rin siyang gumawa ng album under Star Records. Graduating na rin siya this year at matapos mai-defend ang thesis, practicum na lang ang kulang niya.

***

Super-lagare ang tatlong guests ni Dennis Trillo nung birthday show niya sa Zirkoh Timog, bilang pagbibigay na rin sa hiling ng aktor at manager niyang si Popoy C na very accommodating basta rin lang bakante ang alaga.

Unang sinalang si Teri dahil may show pa sa Comic Lab ni Andrew "Mamu" de Real. Nagpanggap na Alwina si Teri with matching pakpak, huh! Hiyawan talaga ang tao sa kanyang antics!

Tinaranta naman ni Gladys Guevarra si Dennis sa Chuchay act niya kahit na nga naghihintay rin ang crowd niya sa Klownz Quezon Avenue. Talaga namang pinagpawisan nang malagkit si Dennis sa kabaliwan ni Gladys, huh!

Si Janno Gibbs naman ay nakaabot sa palabas kahit nga galing pa ito sa isang taping at kapagdaka ay humataw sa show ni Jaya sa Music Museum.

Gayunpaman, hindi halatang nagmamadali sina Teri at Gladys pati na ang kangaragan ni Janno, huh!

Very successful ang birthday show na ito ni Dennis na umapaw talaga ang tao sa Zirkoh kesehodang bumabagyo that night.

Source: Abante