|
|
| Dennis, bagong 'Horror King'Author: Nitz Miralles SA tarot reading kay Dennis Trillo ginawa ang press interview sa actor para sa nalalapit na showing ng pelikulang Tarot nila ni Marian Rivera. Bago ang tarot reading, hindi siya naniniwala sa hula, pero after basahin ang mga nangyari at mangyayari pa'y naniwala na si Dennis. "Amazed ako dahil totoo lahat ang lumabas sa baraha, gaya ng nangyari sa mother ko at sa dad ko. Paano niya nalaman, kaming dalawa lang naman ng dad ko ang nag-usap? "Pati sa past na nangyari sa lovelife ko nalaman niya. Sa present, 'di ko pa alam kung magkakatotoo na may dalawa akong hihiwalayan dahil kalahati pa lang ng taon," pahayag ni Dennis. Okey sa kanyang tawagin siyang 'The New Horror King" dahil mas marami siyang ginawang horror flick at tiyak na hindi ang Tarot ang magiging huli. Sa August 24 sa SM Megamall ang premiere night bago ang regular showing sa Aug. 26 at ang movie na rin ang birthday presentation nina Marian at Mother Lily Monteverde. Sina Mother Lily at Roselle Monteverde-Teo ang nagpapatunay na totoo ang tarot reading at isa sa patunay ang pagkakatayo ng Imperial Palace na hula sa kanya at ayaw pang paniwalaan. Birthday pala ni Mother Lily bukas, pero ayaw nitong magpa-party at tama na ang simpleng celebration with her family. Kaya naluha ito nang bigyan ng cake ni Dennis (galing kay Manny Valera) at kantahan ng happy birthday. * * * Marami ang nanood ng premiere ng LOL o Love On Line last Sunday sa Cinema 10 ng SM Megamall at sa reaction ng tao, mag-i-'LOL' o "Laugh Out Loud" ang moviegoers sa mga nakakatawang eksena. May bagong jokes si Direk Tony Reyes na klik sa tao. Iba talaga ang tandem nina Vic Sotto at Jose Manalo at idagdag pa sina Manilyn Reynes at Gina Pareño. Sulit ang panonood sa pelikulang showing na bukas. Aliw at kinilig ang tao sa eksenang unang nagkita sina Samson (Vic) at Lily (Paula Taylor) at tinukso ang dalawa. Kabilang sa mga dumating sa premiere night si Oyo Sotto, na kasama si Kristine Hermosa, Malou Choa-Fagar, Pia Guanio, kasama ni Vic, at si Tony Tuviera ng APT Entertainment, co-producer ng OctoArts Films ni Orly Ilacad at M-Zet TV ni Vic. Ipinalabas sa premiere ang maikling teaser ng Ang Darling Kong Aswang, entry ni Vic sa Metro Manila Film Festival, may lumabas na aswang, pero 'di nakita ang mukha't wala pang napipiling kapareha ni Vic. * * * Marami na ang naghihintay sa paglipad ni Darna at malay n'yo, baka ngayong Martes na lulunukin ni Narda (Marian) ang bato at isusunod ang pagsigaw ng "Darna!"? Basta, hindi madi-disappoint ang mga nag-aabang kay Marian sa unang paglabas na naka-costume at makikipaglaban dahil pinaghandaan niya ito. Ang daming aabangan ng fans ng aktres dahil bukod sa Darna, pilot na ng Show Me Da Manny nila ni Manny Pacquiao sa August 23 at showing ang Tarot sa Aug. 26. * * * Ang daming balitang showbiz sa Showbiz Central noong Sunday at isa rito'y ang pagpi-feature kay Vic Sotto sa The Story of Your Life with live interview by Raymond Gutierrez. Maganda ang sinabi ni Vic sa mga anak na happy siya for Danica, to be successful ang wish niya kay Oyo, future leader daw si Vico at A-student naman si Paulina. Pinasalamatan niya ang mga ina ng apat niyang anak sa magandang pagpapalaki sa kanila. Si Paolo Bediones naman ang sumalang sa Intriga Crossfire at inakong kasalanan niya ang breakup nila ni Abby Cruz. They're working to be friends at tatapusin lang niyang ma-launch ang Survivor Philippines 2 at kakausapin niya ang dalaga. May nag-react kung bakit ngayon lang nagsalita si Paolo sa breakup nila ni Abby kung kailan iere na ang SP2. Source: People's Tonight |