|
|
| Dennis, crush na crush si Heart!Column: Tell & Tell Habang pinanonood namin ang mga kilos at mata sa matang pag-uusap nina Gabby Concepcion at Kris Aquino with matching Boy Abunda on the side sa programang Boy & Kris nu'ng Lunes ng umaga, parang gusto namin itong lapatan ng background music na may lyrics na. .. "I saw you last night, I've got the same old feelings. .. ," kaso nga, kinunan 'yon ng day at hindi night effect. Sa nakita naming body language at eye contact sa isa't isa nina Gabby at Kris, tipong ang mas bagay yatang background music nila ay 'yung awiting may lyrics na. .. "I remember the boy (or girl), but I don't remember the feeling anymore. .. ," tsuk! Oo naman. Porke pareho nang happy sa kani-kanilang lovelife ngayon ang dalawa at kung anumang memories ang namagitan sa kanila noon, Ateng Lolit Solis, well past is past. Time changes and so do people. And. .. feelings. Yezzz, feelings. .. nothing more than feelings. .. trying to forget my. .. feelings of love. .. ," kinanta pa raw namin, o! Hahaha! 'Sensya na, frustrated singer ang lolah n'yo, hehe. At kung nakapag-guest na si Gabby sa Boy & Kris, malamang mag-guest na rin ang aktor sa Wheel of Fortune hosted alone by Kris tuwing 6 p. m. , Monday to Friday, dahil pareho naman silang belong sa Kapamilya Network. Ma-i-segue lang daw sa WOF, o! Hahaha! In fairness, magaling magpaikot ng kanyang kapalaran si Gabby, lalo na nu'ng maranasan niyang kumayod nang husto sa U. S. of A. for 13 long years, pero ang fortune palang hinahanap niya ay sa ABS-CBN lang makakamtan, devah naman, Mommy Rose F. ? * * * Dahil inamin na ni Heart Evangelista na break na talaga sila ni Jericho Rosales and is perhaps nursing a broken heart while doing Codename: Asero sa Dubai with Richard Gutierrez, hinihintay na lang namin ang pag-amin ni Jericho na meron ngang third party involved. Si Heart na rin kasi ang nagkumpirma nito sa phone patch niya with Raymond Gutierrez sa Showbiz Central nu'ng Linggo. Hindi naman nakapag-tell-a-lie ang bidang lalaki sa Magdusa Ka! na si Dennis Trillo nang ibuking ni Marian "Dyesebel" Rivera na crush na crush ng aktor si Heart. So, eat your hearts out, Cristine Reyes and Jericho Rosales! That is, if ever maging shoulder to cry on ni Heart E. si Dennis T. , huh! * * * Mukhang mauunahan ni Marian si Ugly Betty dahil papangit daw si Marian kapag nagkaroon na itech ng mga paa at wa na buntot sa ginagalawang mundo ng kanyang iniirog na si Fredo (played by Dingdong Dantes). Huwattt? Si Marian, magiging ugly sa Dyesebel? Well, for sure, siya ang pinakamaganda sa hanay ng mga pangit, wa kiyems, tsuk! * * * Ngayong nasa outside world na ang fave teen housemate sa PBBTE Plus na si Josef Elizalde from La Salle, isang bagay lang ang napatunayan — na talo ng Atenista ang mga La Sallista dahil natira sa loob ng Bahay ni Kuya ang Atenistang si Robi. Talaga raw inintriga namin ang mga taga-La Salle at taga-Ateneo, o! Hahaha! Anyway, nakipag-break pala kay Josef ang girlfriend nitech dahil sa nakitang sweet moments nila ni teen housemate Nicole while inside the PBBTE Plus. Kakausapin daw nitong si Josef nang heart-to-heart ang nakipag-break na GF. At kung 'di mahihilot, malamang ay kay Nicole rin ang bagsak nitong si Josef, lalo pa't nominado na naman itong si Nicole for eviction this Sabado night, tsuk! Source: People's Tonight |