| | Dennis mas gusto ng fans para kay Angel kesa kay Oyo Boy Column: Basta Author: Nitz Miralles Kung paano hinihintay ng GMA-7 fans ang Encantadia, ganoon din ang pag-aabang ng ABS-CBN fans sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin, ang bagong teleserye ng istasyon. Sa May 16 na ang airing nito at very positive ang feedback sa viewers ng mala-Asian novela nitong teaser. May napupuna lang ang ibang nakapanood ng teaser. Parang pareho ang role nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa role nina Vic Zhou at Barbie Xu sa Taiwanese TV drama'ng God Mars na incidentally, ang Channel 7 ang nakabili ng rights na maipalabas dito. Alam ito nang mg nakapanood ng God Mars sa CDs. Nabalitaan pala naming dapat kasama sa cast ng teleserye si Mickey Ferriols. Sa kanya unang in-offer ang role ni Carmin Martin as Yolanda Fontanilla pero, umatras si Mickey kaya, napunta kay Carmi ang nasabing role. Baka naman masamang ina o tita ang papel ni Mickey at hindi pa siya handa sa mga ganoong klase ng role. Iikot ang istorya ng teleserye sa pagkahiwalay ng magkakapatid na sina Nea Fontanilla (Claudine Barretto), Jasmin Fontanilla (Bea) at Hazel Fontanilla (Shaina Magdayao. Kasama rin sa cast sina John Llod (Oliver Yñares), Diether Ocampo (Ivan Yñares), Angelika dela Cruz (Karri Medrano), Tirso Cruz III (Roden Yñares), Hilda Koronel (Susan Yñares), Noni Buencamino (Larry Fontanilla), Kathleen Hermosa (Vonne) at Jaclyn Jose (Ellen Fontanilla). Narito rin sina DM Sevilla, Kiko Matos at RJ Martinez. Si Wenn Deramas ang director nito. * * * Maganda pala ang boses ni Dennis Trillo. Narinig namin siyang live at walang rehearsal na kinanta ang Unwell ng Matchbox Twenty sa birthday party ni Angel Locsin. Favorite nito ang nasabing kanta at kinakanta niya sa fiesta at ibang raket. Habang kumakanta'y, nagsisigawan ang fans nila ni Angel. May narinig pa kaming comment na mas gusto nila si Dennis para kay Angel kesa kay Oyo Boy Sotto. Natuwa si Dennis pero, iba raw ang real life sa onscreen love team nila sa Darna. Naghihintay na ang kanyang fans ng follow-up sa Aishite Imasu. Kailan nga ba ang siya gagawa ng bagong pelikula? "Marami akong script na binabasa. Gusto ni Mother Lily, hindi kasing-bigat ng first movie ko ang gawin ko. Ang gusto ko, gumawa ng indie film, mas matapang 'pag hindi commercial ang tema. Gandang-ganda ako nang mapanood ang Requim For A Dream. Kailan kaya tayo puwedeng gumawa ng gnaoong movie, kailan may magti-take ng risk," pagtatanong nito. Kahit pala sa Darna kasama si Dennis, gandang-ganda siya sa Encantadia nang unang mapanood ang teaser nito. "Grabe, parang pelikula. Sobrang dami ng cast at parang Lord of the Rings ang dating. Talagang fantasy," reaction nito. Source: People's Tonight |
|