Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dennis, nakikiramdam kay Heart

Dennis, nakikiramdam kay Heart

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

AYAW matawag ni Dennis Trillo na superstar na siya ng Kapuso network, lalo na at inihihilera na siya kina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

“Never kong inisip o inasam ang maging superstar o big star. Mahirap kasing i-maintain 'yung ganong stature. Gaya nga ng nasabi ko, tama na sa akin 'yung nabibigyan ako ng trabaho, may nagtitiwala pa sa akin. Masaya na ako na sunud-sunod ang trabaho ko,” mahinahong sabi ni Dennis.

“Dito sa GMA, walang magkakaribal sa trabaho. Ang karibal lang namin ay 'yung mga nasa ABS-CBN,” dugtong na sabi pa ni Dennis.

Siyanga pala, pumirma na ng panibagong kontrata si Dennis sa GMA.

Dalawang taon ang pinirmahan niyang kontrata.

Hindi pa alam ni Dennis kung ilang TV show ang gagawin niya sa loob ng 2-years. Pero, kasama nga roon ang pagsasamahan nilang project ni Heart Evangelista, ang Muling Buksan Ang Puso.

“Happy ako sa nangyayari sa career ko. Heto lang naman ang gusto ko, 'yung magtuluy-tuloy ang trabaho ko,” sabi niya.

Nalulungkot lang si Dennis dahil nalalapit na ang pagsasara ng Gagam­bino.

Sabi ni Dennis, mas exciting daw ang mapapanood na mga eksena sa Gagambino, dahil maglalaban na ang grupo ng kabutihan at kasamaan.

May eksena raw na mabubuhay ang mga patay para maghasik ng lagim.

Anyway, gulat na gulat si Dennis nang malaman na hiwalay na rin ang crush niyang si Heart sa boyfriend nito.

At siyempre, tinukso namin si Dennis na puwede na niyang ligawan si Heart. Tutal naman, noon pa ay crush niya ang dalaga.

Pero sabi ni Dennis, masyado pa raw maaga para magsalita siya tungkol sa posibilidad na magkaroon sila ng relasyon ni Heart.

Unang-una, sa April pa raw magsisimula ang taping nila ni Heart para sa project nila sa Siyete.

Sabi nga, mas maganda raw kung pakiramdaman muna niya ang sitwasyon nila ni Heart, at doon na lang niya iisipin kung ano pa ang mga susunod niyang gagawin.

Source: Abante