|
|
| Dennis sa bagong BF ni Carlene...âHuwag niyang pakialaman ang hindi kanya!âAuthor: Vinia Vivar Aminado si Dennis Trillo na malaking surprise sa kanila ang success ng Mag-ingat Ka sa. .. Kulam. Sa hirap daw ng buhay ngayon at sa krisis sa movie industry, nunâg una ay talagang may kaba factor na baka hindi ito maging successful. âKaya ganuân na lang ang saya namin nang mabalitaan naming ganuân kaganda âyung performance ng movie, malaki ang kinita, maraming tumangkilik, maraming nanood. Hindi ko ma-explain âyung feelings ko nuâng malaman ko at tinext sa akin na P8 million ang first day at tumataas pa hanggang ngayon,â say ni Dennis nang makausap namin sa blowout party ng pelikula. Tanggap din ng aktor na malaking bagay si Judy Ann Santos kaya naging box-office ang movie at siyempre, ang kanilang direktor na si Jun Lana. Because of this, feeling niya ay lucky charm niya si Juday. âNaisip ko âyun, eh. Kasi sa Aishite Imasu (first movie nila ni Juday shown in 2004), ganuân din, eh. So, baka nga. Sana masama pa ako sa mga pelikula niya,â pahayag ni Dennis. Wish ba niya na next movie nila ni Juday, kung sakali, ay medyo love story at may love scenes na? âSana, oo, âdi ba? Kung papayag siya, walang problema sa akin. Ako, ready ako sa kahit anoâng pelikula na maisipan ng Regal para pagtambalin kaming dalawa ulit. â Naitanong kay Dennis ang tungkol kay Yo Ocampo, bagong boyfriend ni Carlene Aguilar, ina ng anak niyang si Calix Andreas, at aniya, masaya siya para sa dating karelasyon. Wala bang kurot factor? âHindi, wala, wala. Closed book na âyon, eh. Panibagong chapter âyon ng buhay niya at siyempre lahat tayo, may karapatang maging masaya sa buhay natin. âYun lang âyon. â Hiningan din ng reaksyon si Dennis tungkol sa comment diumano ni Yo na hindi na nito kailangang ma-meet pa ang aktor. âHindi ko rin naman siya kailangang makilala, eh. Bakit? Wala na, hindi naman natin dapat pinag-uusapan âyan, hindi natin siya kailangang pag-usapan,â diretsong sagot ni Dennis. Hindi pa raw talaga sila nag-meet ng guy at inulit niyang âhindi na kailangan. â Balita ring close ang guy sa anak niyang si Calix, hindi ba siya natatakot na baka maagaw nito ang kanyang posisyon bilang ama? âHindi. Kahit ano ang gawin niya, ako pa rin ang tatay. And hindi ko rin naman hahayaang mangyari âyon, kasi siyempre, kung meron mang isang tao na gusto kong mapalapit sa anak ko, ako âyon. â Hindi man daw niya regular na nabibisita si Calix dahil sa hectic schedule, kapag may libreng oras siya, he makes it a point na mapuntahan ang bata. Nahingan din ng reaksyon ang aktor tungkol sa tsismis na diumanoây may temper problem ang bagong boyfriend ni Carlene at kung hindi ba siya natatakot sa welfare ng kanyang baby. âAh talaga? Hindi ko alam âyon,â ang inisyal niyang reaksyon. âWell, âwag lang niyang pakitaan ng masama ang anak ko dahilâ¦â aniya, na hindi na itinuloy ang sasabihin. âHindi niya puwedeng galawin âyon (ang baby), huwag niyang pakialaman ang hindi kanya,â seryoso pang sabi ni Dennis. Birong tanong ng writers, âSi Carlene na lang?â ââYun, sa kanya na,â diretsong sagot ni Dennis. âSa kanya naman talaga, eh,â pagtatapos pa ng aktor. Anyway, sa ngayon ay wala pa raw siyang bagong girlfriend after Cristine Reyes at kung sakali raw, next time, mas maganda siguro kung non-showbiz na ang kanyang maging karelasyon. * * * Sa presscon ng bagong ine-endorse na produkto ni Valerie Concepcion, ang Energo energy drink ng Aldrtz Corp. , inulan ng tanong ang young actress-TV host tungkol sa crush niyang si Richard Poon, na makakasama niya sa show sa Zirkoh, Timog sa October 18. Ang nagpakontrobersyal sa issue is the fact na matapos niyang ideklara na crush niya si Richard, bigla namang inanunsyo ng singer na ang crush at gusto niyang maka-duet ay si Sarah Geronimo. Ang balita, na-offend si Valerie sa ginawa ni Richard, kaya klinaro ito ng press sa kanya. âHindi, kasi, ganito âyon,â simula ni Valerie, âkasi nga, magkakaroon kami ng show ni Richard sa October 18, so, tinanong ako kung ano ang masasabi ko sa kanya. âSo, sabi ko, âI like his voice, ang sarap pakinggan sa tenga. â Tapos sabi ko pa, âsiguro, kung haharanahin niya ako, baka himatayin ako. â âSo, akala siguro nila, crush ko na. But actually, itâs the voice that I like. â Ano naman ang reaksyon niya na si Sarah ang favorite ni Richard? âKung talagang sinabi niya âyon na gusto niyang maka-duet si Sarah, okay lang, kasi aminado naman ako na hindi ako singer, âdi ba? âPero kung sasabihin naman niya na gusto niyang maging girlfriend si Sarah o kung papipiliin siya between me and Sarah, itâs his choice, âdi ba? âPero siyempre, Richard Poon, ouch!â tila mensahe niya kay Poon, na ikinaaliw ng press. âHindi kasi, parang ano lang, siyempre, âdi ba, sana man lang sinabi niya na ano, âsexy rin naman si Valerie, maganda naman,â sana may ganuân man lang,â say pa ni Valerie saka sinundan ng tawa. Kinantiyawan si Val na baka bumawi si Richard sa kanya sa show at baka totohaning haranahin siya. Napatili na lang ang dalaga. âNagpa-palpitate tuloy ako,â kinikilig pang sabi ng young actress-TV host. Gustung-gusto raw niya ang boses ng tinaguriang âMichael Buble of the Philippines,â pero binawi naman niyang na-hurt siya na crush nito si Sarah. âOy, joke lang âyon, hindi naman ako seryosong na-hurt talaga,â she said. Anyway, aside from Val and Richard, kasama rin sa show na October Best sina Jed Madella, K Brosas at Mariel Rodriguez. Source: People's Tonight |