|
|
| Desiree atat magpakasal kay VhongColumn: Whatever TWO years at seven months na pala ang relasyon nina Vhong Navarro at Desiree del Valle and they are still going strong. Hindi raw nakikialam si Desiree sa annulment proceedings ng kasal ni Vhong sa asawa basta ang mahalaga raw ay masaya silang dalawa. Hindi raw siya nagseselos kung nali-link man si Vhong kung kani-kanino dahil malaki raw ang tiwala niya rito. Isa pa, alam niyang malakas ang appeal ni Vhong sa mga babae kaya nakasana-yan na niya ang ganito. Alam naman niya na super-loyal sa kanya si Vhong. Hindi raw totoong kuripot si Vhong dahil galante ito sa kanya. Sa katunayan, suot-suot niya sa presscon ng When Love Begins ang ibinigay nito sa kanyang set of diamond necklace at earrings. Magkasundo rin daw sila ng mga anak ni Vhong. Ang tawag daw ng mga ito sa kanya Tita Dez. Wala pa raw silang pinag-uusapan ni Vhong tungkol sa kasal dahil ongoing pa nga ang annulment nito. Pero hoping siya na makasal din sila ni Vhong balang araw da-hil nagmamahalan daw talaga sila. * * * NAPAKASUWERTE natin dahil napili ang Pilipinas sa tatlong bansang ipi-feature sa special episode ng US version ng Deal Or No Deal around the world tour. 'Yung dalawa pang ibang bansa ay ang Estonia at South Africa. Dahil dito ay magkakaroon ng chance si Kris Aquino na mag-co-host ng US version ng Deal Or No Deal with Howie Mandel. And take note, makaka-sama rin ang ating 26K girls at ang sarili nating banker. It will really be a big ex-posure for Kris for the Ame-rican audience kapag naipa-labas na ang special episode na ito on May 7. Kasi 'yung local version natin ng Deal Or No Deal ay hindi pala ipinapalabas sa TFC sa US dahil hindi 'yun pina-yagan ng Endemol dahil may sariling version nga ng Deal Or No Deal ang US. Puring-puri nga ni Howie Mandel si Kris sa galing nitong mag-host at puwede rin daw si Kris ng isang American game show. Aba ang Kristeta biglang nag-dialogue na handa raw siyang umalis sa Pi-lipinas para mag-show sa US sakaling may mag-offer sa kanya na American producers. It will be a great honor daw for the Philippines kung saka-sakaling mangyayari 'yun. Basta lang daw payagan siyang isama ang dalawa ni-yang anak sa States. So, ang ibig sabihin nito, husband James Yap will be left behind. Naku, matitiis kaya ni Kris na wala sa tabi niya si Papa James nang matagalan? * * * AMONG the 30 swimsuits na isinuot ni Anne Curtis sa pelikulang When Love Begins kasama na rito ang binili ni-yang Brazilian swimsuit na nagkakahalaga ng P18,000. Two-piece na kulay black ito na napapaligiran ng mga rhinestones. Ginamit daw niya ito for the photo shoot ng movie at doon sa naging out-of-town trip nila ni Sam Milby sa Pa-lawan last January. Ibinili rin daw niya si Sam ng isang bagong boarding shorts para sa trip nila sa Pa-lawan. Three days silang nagtagal doon. Affected daw nang konti si Sam sa kissing scene nila ni Aga Muhlach sa movie kasi passionate ito. Pero naintindihan naman daw ni Sam na acting lang 'yung ginawa nilang kissing. On her part, hindi naman daw siya nagselos sa kissing scenes nina Sam at Toni Gon-zaga sa mga pelikulang pinagsamahan na ng dalawa ka-si puro pa-cute lang daw ang halikan ng mga ito. Pa-wholesome ek-ek daw kasi ang team-up nina Sam at Toni kaya hindi puwedeng mag-torrid kissing sila. Sa totoo lang, hindi pa rin daw niya sinasagot hanggang ngayon si Sam. Kasi tulad ng character niya sa When Love Begins takot daw siya sa commitment. Ilang beses na raw kasi siyang na-heartbroken sa split-ups sa past boyfriends niya kaya ayaw na niyang mangyari ito ulit. Gusto niya, kung makikipagrelasyon siya ulit for keeps na ito (hindi po for keps). Meaning ang wish ni Anne kung magkaka-boyfriend ulit siya, sa simbahan na ang tuloy nila. Source: Taliba |