|
|
| Detalye sa kasalang Judy Ann, Ryan mapapanood sa SharonColumn: Kalerky BIRTHDAY treat pala ng ABS-CBN ang Iisa Pa Lamang para kay Claudine Barretto. Sa July 20 ang birthday ni Claudine at magpi-premiere ang said teleserye sa July 14. No wonder, bongga ang promotions sa nasabing teleserye. Isang solo presscon ang ibinigay ng ABS-CBN kay Claudine last week. Sinundan naman ito ng isang solo presscon kay Gabby Concepcion. Walang malaking party si Claudine sa kanyang birthday. This year, isang outreach program ang gagawin niya for Bantay Bata. Kasama niya sa project si Raymart Santiago. Happy si Claudine na pinayagan ng GMA 7 si Raymart na maging involved sa nasabing charity work. Willing si Claudine na mas matindi pang involvement sa mga charity institutions. In fact, gusto ni-yang magkaroon ng foundation para sa mga abandoned baby. No regrets si Claudine sa pagkupkop niya kay Sabina. In fact, kapag may dumating na bagong baby sa buhay, willing siyang maging parent nito. "I'm not gonna stop from taking care of abandoned children," sabi nito. Claudine nga pala doesn't want to call Sabina "ampon. " She finds the word to strong to describe ang isang blessing na ibinigay sa kanya. Sabina for her is blessing. * * * NGAYONG nakabalik na si Ryan Agoncillo mula sa one-month vacation nila ni Judy Ann Santos sa Europe, back-to-work din siya. Ryan remains a Kapamilya. Bago umalis si Ryan, na-kipag-meeting siya sa ABS-CBN big bosses para sa projects na nakatakda niyang gawin. Si Ryan ang bida sa remake ng Pieta na isasatelebisyon ng ABS-CBN. Si Ace Vergel ang bida sa film version nito. Light action/drama ang tema ng Pieta. Kaya mapapasabak si Ryan sa mga dramatic scenes. Sina Toto Natividad at Don Cuaresma ang mga nakatokang idirek si Ryan sa Pieta. Wala pa akong balita sa iba pang cast members ng Pieta. Bukod sa Pieta, may iba pang shows na gagawin si Ryan. At ngayong gabi, exclusive na mapapanood sila ni Judy Ann sa Sharon. Ipinangako pala ng dalawa ang exclusive TV announcement kay Sharon. Oo nga't nailabas na ito ng Yes! Magazine. Mas maganda pa din na makitang ikuwento ito ng dalawa. * * * KAPAG nalaman ni Judy Ann Santos na pinalakpakan nang husto sa trade event ng ABS-CBN ang trailer ng Humingi Ka Sa Langit, tiyak na gaganahan itong magtrabaho. Yes, well-applauded ang nasabing trailer. Isa sa tinilian nang husto ay ang mga eksena ni Juday with Derek Ramsay. Doon ko napatunayan ang lakas ng hatak ni Derek sa female audience. Considering na mga advertising people ang mga 'yon. Actually, noong nasa States pa lang ako, pinag-uusapan na si Derek sa Ysabella. Umabot pa sa point na nag-wish ang mga TFC subscribers na sila ni Juday ang mag-end up sa ending. I have yet to find out kung magri-resume na ba si Juday ng taping for Humingi Ka Sa Langit. May mga nauna nang eksena na kinunan sa San Francisco, California. Sa nasabing series, Juday is playing a registered nurse. Source: Taliba |