Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Di kami nag-iisnaban ni Bea -- Sarah

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

MULING nakaharap ng entertainment press ang ngayo'y mag-asawa nang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para sa programang George and Cecil (palabas na sa June 14 sa primetime block ng ABS-CBN).

Si George, as in Georgina, si Juday at si Ryan naman ay si Cecil o Ceci-lio.

Kapansin-pansin ang pagiging blooming ni Juday ngayon at halatang stress-free at maligaya sa piling ng kanyang mister.

Ito rin ang reunion nina Judy Ann at Gladys Reyes matapos ang i-lang taon na hindi natin sila nakitang magkasama on TV.

"Huli kaming nagka-sama ni Gladys noong Mara Clara days pa, huh. So, ganoon na ka-tagal," bungad ni Juday sa lahat.

To prove na matibay na talaga ang samahan ng dalawa bilang magkaibigan at naroon na ang trust nila sa isa't isa, kinuwento rin ni Juday na isa rin daw si Gladys sa iilan lamang sa mga unang nakaalam ng mga detalye ng kanyang sinekretong kasal.

Iba na rin daw ang mga pinag-usapan nila ngayon ni Juday.

Kung dati ay puro tungkol sa mga damit at sapatos ang kanilang pinagti-chikahan, ngayon, mas nakatuon na sa pa-milya ang topics nila.

Very motherly na ang kanilang mga drama sa buhay.

Dalawa na ang anak ni Gladys habang si Juday naman ay proud mom kay Yohan.

Sinusubukan na raw nilang makabuo ngayon ni Ryan.

Tanong ng ilan sa presscon kung hindi pa ba sila nakabuo after the wedding?

"Meron po kaming isang malaking pader sa aming gitna na ang pa-ngalan ay Yohan. Sa amin po kasi siya na-tutulog kaya walang chance masyado sa mga ganoong bagay. Pero may sarili naman po kaming paraan kung saan at paano ito gawin; kung saan ang location," natatawang kuwento ni Judy Ann na sinang-ayunan naman ni Ryan.

Kasama rin sa George and Cecil sina Christopher Roxas, Al Tantay, Dimples Romana, Malu de Guzman, Dino Imerial, Tessie Tomas, Dionne Monsanto, Archie Alemania, Enrique Gil, Ynna Asistio at ang dalawa sa Pinoy Fear Factor participantes na sina Manuel Chua at Jommy Teotico.

Ang George and Cecil ay sa direksyon ni Joey Reyes.

Sinabi naman ni Direk Joey na ang George and Cecil ay hindi isang guest-based show, so, kung sino ang bumubuo raw ng cast ito na raw 'yun.

"Parang teleserye na comedy," say ni Direk Joey.

Hmmn, ang saya, kung ganoon.

* * *

Finally, sinagot na rin ni Sarah Geronimo ang matagal na iniisyu sa kanila ni Bea Alonzo.

Sa presscon ng The Next One-The Philippine Tour, nilinaw ni Sarah na magkaibigan sila ni Bea at nagkikita sila sa ASAP '09 tuwing Linggo.

"Pero hindi lang po ako nakakasama 'pag lumalabas sila after the show. Kasi pagkatapos ng show, nagkaka-ya-yaan silang kumain sa labas, eh, hindi ako nakakasama," giit ng Pop Star Princess.

Busy daw kasi si Sarah sa kanyang singing commitments at rehearsals kaya hindi siya nakakasama sa ibang lakad ng ibang co-hosts niya sa show.

Tinanong si Sarah kung iniimbitahan siya ng mga ito 'pag lumalabas sila,

" Ayy, oo naman po, kaya lang minsan talaga mahigpit din ang schedule ko kaya hindi ako nakakasama sa kanila. "

May mga kaibigan din daw si Sarah sa ASAP '09 tulad ni Maja Salvador at Nikki Gil.

Sila raw ang mga kasundo ng singer at ka-bonding din kung minsan.

Muli ay tinanong si Sarah kung hindi ba niya nami-miss ang magkaroon ng isang special someone?

Aniya, hindi kasi she's never been in a relationship.

Gusto rin daw niya na kung magkaroon siya ng lalaking mamahalin ay for keeps na.

Bongga!

Well, sana ay huwag masamain ng iba kung magtanong man kami tungkol kay Bea.

Heto nga't sinagot na ni Sarah na hindi naman pala totoo ang intriga na nag-iisnaban daw sila.

Si Sarah na mismo ang nagsabing chika sila ni Bea. 'Yun na!

Eh, 'di malinaw na ang usapan.

Source: Taliba