Apr 17
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Di na kailangan ng doktor para magkaroon ng puwets !

Author: The Philippine Star

Meron pa bang babaeng (o maski na lalaki) pangit ngayon? Siguro, yung mga walang pera. Nagagawan na kasi ng paraan para ang isang tao ay mapaganda ang kanyang mukha, ilong mata, bibig, pisngi. Natatanggal na ang kulubot sa mukha at katawan, ang eyebags, at hindi magandang ngipin. Pati taba sa katawan natatanggal na. Kung gusto mo ng malaking boobs, pwede na rin. Napapaliit na rin ang boobs, napapaganda ang balat, napapalago ang buhok. Lahat ng hindi maganda, napapaganda. Ang kulang napupunuan, ang sobra, pwedeng makulangan. Kaya lamang, lahat nito ay nangangailangan ng hindi kakaunting halaga.

Pero, may mga kakulangan na hindi nangangailangan ng pagpapala ng doktor. Makukuha ito sa tamang ehersisyo. Gaya ng pagpapayat, pagkakaroon ng bilugang pwet, pagpapaliit ng baywang, ng balakang at pagpapalaki ng boobs. Bakit pa tayo pupunta ng doktor at kailangan pang masaktan kung pwede naman palang mag-exercise na lamang para makamit ang mga pangangailangang nabanggit?

May video na nagtuturo ng pinaka-bagong workout, ang Aero-kae-bo na inilabas ng Videoflick. Tampok dito si Pia Guanio at si Manny Salta, isang fitness expert na pwedeng- pwedeng maging isang action star at siyang nag-develop ng Aero-kae-bo, isang kakaibang workout combining aerobics, karate at boxing techniques. Nun pang 2003 na-develop ni Manny ang workout na pwede sa mga babae at lalaki.

Ang Aero-kae-bo VCD ay presented in 4 parts: Isang short intro sa programa na kung saan pinag-uusapan nina Pia at Manny ang workout. Mayro’n ding 10 minutong complete workout na kung saan ipinapakita nina Manny at Pia ang basic movements. Kapag na-perfect n’yo na ito, susunod na ang 30 minute full length workout, mula sa warm up to cool down with low to moderate impact aero-kae-bo. Mayro’n ding bonus floor exercise para sa mga gustong magpaliit ng tiyan, bewang balakang, at legs at mga ehersisyo para magkaroon ng bilugang behind o pwet. Lahat nito ay sinamahan ng music para mas ganahan kayong gawin ang workout.

Mabibili ang VCD nationwide sa halagang P250 lamang.

Kung gusto n’yong mag-avail ng expertise ni Manny Salta who has been exposed here and abroad, may gym siya sa Cubao, ang Fit For Life, No. 9 5th Flr. , Karen Bldg, Annapolis St. , Cubao QC. Matatawagan siya sa 9125814. * * * Napaka-swerte naman ni Danica Sotto, kahit na magkahiwalay ang kanyang mga magulang na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie ay hindi ito naging hadlang para hindi sila mapagsama sa launching ng kanyang CD 45 na inilabas ng Dyna Music nung Miyerkules ng gabi sa Suburbia.

Naro’n din ang kapatid niyang si Oyo Boy na may kontribusyon na rap sa CD, ang 2nd track na "Paulit-ulit" ni Frederick Herrera. May acoustic version din ito.

Ang unang awitin na nakapaloob sa CD ay ang "Fallin In Love".

Dumating sa launching ang buong Sotto clan. Si Maru Sotto at ang anak nito, Ciara Sotto at mga kapatid, iba pang kamag-anak at kaibigan kasama na si Direktor Bert de Leon at si Alessandra de Rossi. * * * Malaki ring responsibilidad ang nakaatang sa balikat ng Search For A Star champion na si Rachelle Ann Go. Syempre, inaasahan ng lahat na kung hindi man niya malampasan ang kasikatan ng kanyang sinundan na si Sarah Geronimo ay mapantayan man lamang niya ang achievement nito.

Hindi expected ni Rachelle Ann na manalo. Pero, nanalo nga siya at natutuwa siya dahil matutupad na niya ang pangarap niyang maging isang singer. Kasama niyang imamanage ng Viva Artists Agency sa pamumuno ni Veronique del Rosario-Corpuz ang dalawang runners-up na sina Raymond Manalo at Genevieve Villabroza.

Silang tatlo ay nakatakdang sumailalim sa voice and dance lessons at acting workshops. * * * Dahilan sa ipinakita niyang tapang at dedikasyon bilang isang public servant kung kaya hindi pa niya nai-enjoy ang kanyang early retirement ay muling pinatakbo si dating Phil. Ambassador to the US at Senate Pres. Ernesto Maceda ng partidong KNP ni Fernando Poe, Jr para tumakbo sa Senado.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga exposes ni Maceda sa Senado: na naging mga kontrobersya ng nakaraang panahon: PAL domestic fare hike na na-abort’ DENR at illegal logging oil firms tax refund fraud; DENR illegal logging scheme, Chop-chop car smuggling; Lottery fraud scandal; National Steel Scam; Lahar Scam; Kidnapping syndicates, PEA-Amari Case at marami pa.

Sa muli niyang pagtakbo, nangangako siyang ipagpapatuloy ang kanyang laban, laban sa graft and corruption sa pagpapatuloy ng kanyang mga exposes whoever and whatever the cost.

Isa pang kandidato ng KNP sa bayan ng Pagsanjan, Laguna ay ang isang anak ni Ernesto Maceda na si Erwin Maceda. Tumatakbo ito bilang congressman ng ika-4th district ng Laguna. Dati itong chief of staff ng Office of the Speaker Jose de Venecia at ngayon ay pangulo ngh 2. 5 Fish Farm Inc. sa Brgy Cabanban; Pangulo ng LAMPAS Village Inn and Restaurant sa Brgy. 11, lahat matatagpuan sa Pagsanjan.

Isa ring broadcaster si Erwin ng DWIZ 882kHz (AM), recording artist ng Viva as Cantana Band at aktibong myembro ng Habitat for Humanity, Laguna Chapter ; Rotary Club of Pagsanjan at Couples for Christ.

Source: The Philippine Star