Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Di pa ba sapat na mabait ako? — Jean

Author: People's Tonight

Naiiyak pa rin si Jean Garcia 'pag napag-uusapan ang paglubog ng bahay niya noong kasagsagan ng bagyong Ondoy.

Ang tanong daw nito sa handler niyang si Beth ay kung 'di pa ba sapat na mabait siya?

Nasunugan na rin si Jean ng bahay noong 2003 at ngayon, binaha ang bahay at nahihirapan daw siya.

Nagpapahirap pa kay Jean na hiwalay sa kanya ngayon ang mga anak na sina Jennica Garcia at Kotaro na nakatira sa lola niya at siya'y sa ipinahiram na condo ng kaibigan nag-i-stay.

Ang kotseng gamit niya ngayon sa pagre-report sa taping ng Stairway to Heaven at ibang lakad ay pahiram ng Boardwalk.

Pahiram naman ng Bioessence ang kotseng gamit ni Jennica.

Lilipat ng bahay sina Jean, pero hindi pa makapaghanap dahil inuuna ang pagpapalinis sa binahang bahay at pag-aayos sa mga gamit na nasira.

Thankful lang si Jean na walang nangyari sa kanya, sa dalawang anak at mga kasama sa bahay.

Pasalamat din itong bukod sa Stairway to Heaven, kinuha siya ng M-Zet Productions para isama sa Metro Manila filmfest (MMFF) entry ni Vic Sotto na Ang Darling Kong Aswang bilang main contravida.

Malaking tulong sa kanya ang tatanggaping talent fee para magsimula uli.

Samantala sa Stairway to Heaven, tuwang-tuwang ibinalita ni Jenna (Rhian Ramos) kay Charlie (TJ Trinidad) na isinali niya ito sa mural painting contest, pero sa halip na matuwa, nagalit pa ang binata na ipinagtaka ni Jenna.

Ayaw ni Charlie na maglapit ang mundo nina Jenna at Cholo (Dingdong Dantes).

* * *

MAMAYA sa Rosalinda, ni-report ni Alex (Jomari Yllana) ang pag-kidnap ni Fernando Jose (Geoff Eigenmann) kay Rosalinda (Carla Abellana).

Magbibigay siya ng reward sa magbibigay ng tip sa kinaruroonan ng dalawa.

Matatakasan ni Rosalinda si FJ, pero maaabutan at sa kanilang paglalaban, maitutulak ni Rosalinda si FJ at mahuhulog ito sa tulay.

Magkakasakit at mapipilayan si FJ. Habang natutulog, aaminin ni Rosalinda na siya nga ang asawa nito.

Ang hindi nila alam, may nakapagturo kay Alex sa kanilang kinaruroonan.

NM

Source: People's Tonight