Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Diamond bracelet ni Dingdong, laging suot ni Marian

Author: Nitz Miralles

Kung last year ay Porsche ang birthday gift ni Richard Gutierrez sa sarili, this year, isang silver gray Nissan sports car naman ang binili ng actor at nakitang gamit nang mag-dubbing ng When I Met U, ang movie nila ni KC Concepcion na showing sa February 11.

By now, pareho na sigurong magaling sa sakit sina Richard at KC dahil nahawaan ng actor ang dalaga after kunan ni Direk Joel Lamangan ang huling kissing scene nila.

Ang dasal ng staff, hindi mahawaan ang singer-actress, pero two days after, ito naman ang nagkasakit.

Anyway, magandang sinagot ni KC ang tsikang nagkabalikan sina Richard at Georgina Wilson at may comment din si Richard sa tsismis na nag-date sina KC at Direk Lino Cayetano.

Sabi ni KC sa Richard-Georgina issue: "May pinagsamahan sila at 'di maiiwasang makita pa rin silang nag-uusap at magkasama. Hindi ako apektado, isyu nila 'yon at alam ko ang totoo. Basta kami, sobrang busy at wala kaming tinatapakang tao. "

Nagulat naman si Richard na naiisyu pa si KC kay Direk Lino dahil mula nang mag-shooting hanggang sa promo, lagi silang magkasamang dalawa.

"Hindi rin ako apektado sa isyu kasi alam namin ang totoo," wika nito.

* * *

Bukod sa Don't Lie to Me ni John Lapus, ang Gimme Mo ni Mo Twister at Intriga Crossfire ng buong hosts ng Showbiz Central ang inaabangan ng viewers sa show.

Nakakatuwa rin ang Gossip Gurl ni Rufa Mae Quinto at ang iba't ibang showbiz news na inire-report dito.

Akala'y iiyak si Isabel Oli sa interview ni Mo at nakuha nito ang simpatiya ng viewers sa mga sagot tungkol sa breakup nila ni Paolo Contis at ang pag-aming confused siya, na two weeks ago ang huli niyang pag-iyak, at naniniwala pa rin siya sa happily ever after.

Kulang ang tanong kay Isabel kung totoong nag-propose rin sa kanya si Paolo October last year. Binigyan din si Isabel ng ring na one month lang sa kanya't isinauli nang mag-break sila last November.

Sinabihan daw ni Isabel si Paolo na ibalik sa kanya ang ring 'pag sure na sa feelings niya, na never nangyari, dahil na-in love ang actor kay Lian Paz.

Inamin naman ni Marian Rivera sa Intriga Crossfire segment na bukod sa picture frame, binigyan siya ng diamond bracelet ni Dingdong Dantes na suut-suot kahit saan siya magpunta ngayon.

Sa presscon ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, bukod sa hikaw, ang bracelet lang ang suot na alahas ni Marian. Sa Sis guesting din kahapon, suot ito ng aktres.

May sikreto ang dalawa, dahil nang tanungin ni Pia Guanio kung ano ang sinabi ni Dingdong nang ibigay ang bracelet, tinakpan ni Marian ang bibig nito.

Ibinuking naman ni Mo na "Yummy" ang tawag ni Dingdong kay Marian, na "Daddy" naman ang tawag sa aktor. Ang babaw ng alibi kung bakit ganu'n ang tawagan nila at tama si Direk Joyce Bernal sa payo na umamin na sila!

Tuloy ang demanda ni Jennylyn Mercado sa isang tabloid sa paglalabas ng mga litrato sa binyag ng kanyang baby. Ang panlaban ng tabloid, public property ang actress at sa public place ginawa ang binyagan.

* * *

ANG birthday wish ni Melissa Ricks, na nag-celebrate ng 19th birthday last January 9, ang makapunta sa Malaysia kahit three days lang at magkaroon ng bagong project.

Ang unang wish ay malabong matupad sa ngayon dahil puro busy ang mga kaibigang gusto niyang kasama.

Granted ang second wish niya, dahil kasama siya sa cast ng TV remake ng Underage, na ilalagay sa time slot ng Your Song.

Matutuwa ang fans nila ni Matt Evans na walang pagod sa pag-i-e-mail sa press na tulungan silang iparating sa ABS-CBN ang request na muli silang pagsamahin. Ang actor ang makakapareha ni Melissa sa Underage.

Hindi nga lang si Matt ang gustong ligawan ni Melissa kung puwede nang manligaw ang babae kundi si Jon Avila ni Rufa Mae Quinto.

Source: People's Tonight