|
|
| Diana Zubiri tinarayan ni Alessandra de RossiAuthor: Tonee Coraza TINALBUGAN ni Diana Zubiri sina Katrina Halili, Valerie Concepcion, Jennylyn Mercado at Alessandra de Rossi sa presscon ng isang MM-FF '08 entry nang duma-ting itong late. Todo make-up si Dia-na at nakasuot ng isang very sexy outfit na halos luwa na ang kanyang boobs. Nagtaray tuloy si Alex na talaga raw pansinin ang mga dumarating nang late dahil nakagagawa sila ng 'grand entrance. ' Depensa ni Diana, hindi raw niya sinadyang ma-late sa presscon. Nagkataon lang daw na galing siya sa isang ribbon cutting ceremony sa SM Baliuag, Bulacan nang hapong 'yon kaya siya nakaayos, at nagpa-alam naman daw siya na male-late. 'Yong sexy outfit niya ay provided ng kanyang manager na si Jojo Gabinete na isa ring movie scribe. Gusto raw kasi ni Jojo na laging presentable si Diana sa mga okasyon na pinupuntahan niya. Nagningning din nang husto si Diana sa natu-rang okasyon dahil sa re-velation niya na nagkaroon sila ng MU noon ni Wendell Ramos. Kaso hindi 'yon natuloy sa isang matamis na re-lasyon. Kasi, dati ay panay ang deny nila pareho ni Wendell samantalang super-sweet naman sila sa set ng Bubble Gang. Inamin din niya na boyfriend niyang non-showbiz ang nakunan na kanyang kahalikan sa cover ng Paparazzi Magazine. Nakuha raw ang picture na 'yon sa kanyang facebook or friendster account sa Internet. One year na sila ng BF at kamukha nito si Wendell. Hindi raw siya nahihi-ya sa lumabas na photo nila ng BF na naghahalikan, kasi nobyo naman daw niya 'yon. * * * SPEAKING of Cristine, pati pala ang sampung taong gulang na paslit na si Nash Aguas ay siya ang crush. Yes, walang appeal kay Nash ang mga kaedaran niyang mga musmos. Mas gusto niya si Cristine dahil maganda raw ang aktres at sexy. * * * MAY basbas daw ng bu-ong pamilya ni Peque Gallaga ang paglabas ni Wago Gallaga (bunsong anak ni Direk Peque) sa TV regarding his being an HIV positive. Ang ikinagagalit ni Direk Peque ay ang mapanghusgang mga tao na nagsasabing "parusa ng Diyos ang sakit ni-to dahil isa itong bakla. " "How could they judge my son when they don't know him? Bakit, mga bakla lang ba ang nagkakasakit nang ga-nito?"protesta ni Direk Peque. Maraming taon pa raw ang itatagal ni Wago, kasi HIV Positive lang naman ito at 'di pa naman full-blown AIDS. "I admit the medicine are very expensive, but it's worth it if it will extend the life of my son for another 10 years,"tugon ni Peque. Source: Taliba |