|
|
| Diana, 'di nagpatalbog kay Katrina!![]() Author: Abante HINDI pa rin maiwanan ni Diana Zubiri ang pagpapaseksi. Katunayan, sa pelikulang One Night Only, nagpasilip pa rin ng alindog si Diana. Gumaganap si Diana bilang si Vivian sa One Night Only. “Ako si Vivian, isang simpleng babae na trying hard maging kagaya ng kaibigan ko na ginagampanan ni Katrina. Marami kaming scenes together ni Katrina at doon tatakbo ang story namin,” sabi ni Diana. At dahil kasama ni Diana ang mga seksing babae rin na tulad nina Katrina, Valerie Concepcion, Alessandra de Rossi, at Jennylyn Mercado, hindi raw talaga naiwasan ang magkaroon ng kumpetisyon sa kanila. “Siyempre merong competition among us. It's something na hindi mo naman maiiwasan especially kasi nga mga babae kami,” pag-amin ni Diana. Pero, knowing Diana, bagamat simple lang siya, alam mong hindi talaga siya magpapatalbog sa kahit na kanino, o kahit na sa sobrang seksing si Katrina. “Pero, as far as relationships sa group are concerned, wala kaming problema sa isa't isa. I've worked with them na naman in the past. Si Katrina, at Jen kasama ko sa GMA tapos sina Alex at Valerie naman nakasama ko na rin. Lahat naman kami naiintindihan namin ang mga parts namin dito at enjoy naman kami sa mga roles namin kaya masayang pelikula ito,” say niya. Hindi ba siya namroblema sa billing? “Kahit sino naman ang mauna o nasa gitna, okey lang. Walang problema sa akin kahit saan ako ipuwesto. Hindi importante 'yun sa akin,” lahad ni Diana. Ang One Night Only ay dinirek ni Jose Javier Reyes. Kasama rin sa pelikula sina Ricky Davao, Paolo Contis, Jon Avila, Joross Gamboa, at Manilyn Reynes. Source: Abante |